Advertisers

Advertisers

Mga ‘di bakunado okey parin bumiyahe pero bawal sa PUVs – DOTr

0 202

Advertisers

NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na puwede pa ring bumiyahe pero bawal sa pampublikong transportasyon ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra, maari pa rin namang makabiyahe ang mga unvaccinated persons gamit ang ibang pamamaraan.

Giit ni Yebra na sa mga pampublikong transportasyon lamang kasi ipinagbabawal ang pagsakay ng mga ito base na rin sa nakasaad sa Department Order na inilabas ng DOTr hinggil sa “No Vaccine, No Ride” policy.



Apela ni Yebra sa publiko na sana ay maintindihan na ang karapatan para makasakay ay dapat balanse rin sa responsibilidad nila bilang transport regulator hinggil sa pagpapanatili at tiyakin ang ligtas na pagbiyahe. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">