Advertisers

Advertisers

MGA KOPONANG KAMPEON MAKIKILATIS SA PCAP SEASON 2 ALL PINOY CONFERENCE

0 208

Advertisers

ISUSULONG ng defending champion Laguna Heroes ang kampanya nitong back- to- back title kontra makulay na koponang Olongapo Rainbow sa pagtaas ng telon ng 2022 Professional Chess Association of the Philippines( PCAP) All Filipino Conference sa Enero 22.

Ang PCAP second conference Wesley So Cup titlist Iloilo Kisela Knights ay duduwelo kontra Palawan Kisela Knights habang ang PCAP San Miguel Corporation – Ayala Land third conference king San Juan Predators ay haharap sa mapanganib na Caloocan Road Manna Knights sa mga tampok na pambungad laro ng ikalawang edisyon ng Asia’s first professional chess league.

Ang koponang Iloilo na naka 2-1-3 finish sa buwenamanong taon ng PCAP ay muling babanderahan nina GM Rogelio Antonio,Jr.,Karl Viktor Ochoa at Cherry Ann Mejia.Kinuha rin ng Ilongo team ni Leo Sotaridona sina homegrown pride Rolly Parondo ng Otori Iloilo na naging chess coach sa Thailand at Horizon Villanueva ng Zarraga na isang Palarong Pambansa gold medalist.



Ibabalik naman ng San Juan ang winning team nitong sina GM Oliver Barbosa,IM Ronaldo Nolte,WIM Jan Jodalyn Fronda,IM Ricky de Guzman at magkapatid na Reyes.

Kabuuang 24 teams na hinati sa north at south division ang magpapasiklaban sa prestihiyosong torneo ng mga propesyunal na manlalaro sa ahedres.



Ayon kay PCAP founding president/ commissioner Atty Paul Elauria, tatlong bagitong koponan ang kukumpleto sa roster ng south division na kinabibilangan ng Davao Eagles,Tacloban Vikings at Cagayan de Oro.

Ang Mindoro Tamaraws na dating nasa south bracket ay lumipat na sa north division upang makumpleto na ang 12 teams per division conference.



Ang iba pang opening matches ay tatampukan ng Cagayan Kings vs Rizal Towers,Cavite Spartans kontra Quezon City Simba’s Tribe,Isabela Knight Raiders laban sa Pasig Pirates at Manila Indios Bravos kontra Mindoro Tamaraws sa norte.

Magtutuos din sa timog ang Cagayan de Oro kontra Zamboanga Sultans, Camarines Eagles vs Toledo Trojans.Cebu City Marchers laban sa Tacloban,Davao Eagles kalaban ang Surigao Franchetto Checkmates at Iriga Oragons kontra Negros Kingsmen.

Ang PCAP ayon kay Atty.Elauria ay may basbas ng Games and Amusement Board at suportado ng National Chess Federation of the Philippines.(Danny Simon)