Advertisers
Balik selda at bantay sarado ang 2 detenido matapos na maaresto ng mga operatiba ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Matnog, Sorsogon.
Kinilala ni PNP IMEG Director, P/BGen. Oliver Enmodias ang 2 nahuli na sina JR Genablazo na nahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga; at Pedro Garote na nahaharap naman sa kasong rape.
Naaresto ang 2 sa ikinasang entrapment operations ng IMEG sa Matnog Public Market makaraang makatanggap sila ng tip hinggil sa presensya ng mga ito.
Ayon kay Enmodias, ilang beses nilang napag- alaman na labas masok sa detetion cell ang 2 detenido ng walang mga kaukulang dokumento o court orders.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang IMEG sa Police Regional Office 5 para sa pagsasagawa ng imbestigasyon kung paano nakakalabas ng detention cell ang 2.
Nakatakda rin sampahan ng kasong administratibo ang Matnog Municipal Police Station dahil sa nangyaring iregularidad.(Mark Obleada)