Advertisers

Advertisers

Covid update: 22,958 bagong kaso; 36,611 gumaling; 82 nasawi

0 226

Advertisers

UNTI-UNTI na ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa case bulletin #676 na inisyu ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Enero 19, nakapagtala na lamang ang kagawaran ng panibagong 22,958 bagong kaso ng COVID-19.

Sanhi nito, umabot na sa 3,293,625 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.



Sa naturang bilang, 8.2% pa o 270,728 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 257,632 mild cases; 8,335 asymptomatic; 2,970 moderate cases; 1,487 severe cases; at 304 critical cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 36,611 bagong gumaling sa sakit.



Sa ngayon, umaabot na sa 2,969,853 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.2% ng total cases.

Nasa 82 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman, sanhi upang makapagtala na ang Pilipinas ng 53,044 total COVID-19 deaths o 1.61% ng total cases.



Matatandaang noong Enero 15, 2022, naitala ng DOH ang record high na 39,004 new COVID-19 cases sa Pilipinas. Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso buhat nang magsimula ang pandemya noong Marso, 2020. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)