Advertisers

Advertisers

Sundalo at Cafgu sugatan sa bomba

0 109

Advertisers

Sugatan ang isang sundalo at miyembro ng CAFGU Active Auxilliary (CAA) ng masabugan ng anti-personnel mine na itinamin ng mga New People Army sa Pinabacdao, Samar.

Ang mga biktima dinala sa pagamutan ng upang malapatan ng lunas sanhi ng mga tinamong tama ng shrapnel sa katawan.

Ayon kay Maj Gen Edgardo De Leon, Commander 8th Infantry Division, 8:26 ng umaga nang maganap ang insidente sa Brgy. Pelaon, Pinabacdao Samar.



Sa ulat, patungo ang mga biktima sa isang site na planong pagtayuan ng bagong detachment ng masabugan ng land mine na itinamin ng mga rebelde.

Sinabi ni De Leon na ang pagtatayo ng bagong detachment sa nasabing lugar base sa kahilingan ng mga local community leader at mga residente.(Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More