Advertisers
SA kanyang recorded ‘Talk to the People’ na inilabas Martes ng umaga, inanunsyo ni Pangulong Rody “Digong” Duterte na mayroon isang presidentiable na ubod ng korap na hindi dapat maging lider ng bansa.
Ang presidentiable na ito, sabi ni Digong, ay kanyang pangangalanan sa mga susunod na araw. Hmmm…Bakit sa mga susunod na araw pa? Binibitin pa ang mga tao. Dapat ngayon na!
Oo! Dapat pangalan na ni Digong kung sino ang most corrupt presidentiable na ito. Dahil nakakatakot kung mahalal itong presidente. Mauubos ang laman ng kaban ng bansa. Mismo!
Pero bakit hindi pakasuhan ni Digong sa Department of Justice o sa Ombudsman ang corrupt presidentiable na ito, kung totoo nga, para mabawi ang kinulimbat nito sa gobyerno. Animal!
Bilang head of state o presidente, mandato nito ang pangalagaan ang taxpayers money, ipakulong ang mga tulisan at abusado sa gobyerno. Mismo!
Kung hindi naman magawa ni Digong na pangalanan ang sinasabi niyang most corrupt presidentiable, aba’y masasabi nating siya’y nagsisinungaling na naman, nambu-bully lang ng mga kalaban sa politika.
Hindi maganda sa isang lider ng bansa ang tailoring ng mga detalye. Nakakawala ng respeto. Yawa! “Marites” ang tawag sa ganyan, repapips. Hehehe…
Kung sabagay, tatak na ni Digong ang pagtatahi ng mga isyu pati ebidensiya. oo! Naalala nyo ba nang gawan niya ng pekeng bank accounts sa ibang bansa si dating Senador Antonio Trillanes?
Mayroon daw dolyares si Trillanes sa isang bangko sa Singapore. Pero naglabas ng certificate ang naturang bangko na walang depositong dolyar sa kanila si Senador Trillanes.
Nang resbakan naman ni Trillanes si Digong ng ng mga deposito nito sa bangko na umabot ng ilang bilyong piso ay pinasibak ni Digong ang Sr. Deputy Ombudsman na kumumpirmang may ganung pera nga si Digong sa bangko noong alkalde pa ito ng Davao City.
Isa sa mga umalma sa patutsada ni Digong sa most corrupt presidentiable ay ang kampo ni Senador Ping Lacson. Araguy!!!
Sabi ng spokesman ni Lacson na dating mambabatas na si Ashley Acedillo, dapat pangalanan at kasuhan ni Digong ang naturang kurap na presidential aspirant para maging babala sa mga botante, hindi ito botohan sa darating na halalan sa May 9. Tama!
Sabi naman ng isang presidential aspirant na si Leody de Guzman, isang labor leader, gumagawa lamang ng isyu si Duterte samantalang ito ay isa nang “lame duck”, at wala namang nagawa laban sa korapsyon sa kanyang termino, bagkus ay kinakampihan pa niya ang mga inaakusahan ng pangungulimbat.
Oo nga naman, limang buwan nalang si Duterte sa puwesto, hanggang Hunyo 30, pero wala pa itong napakulong na mandarambong kumpara sa panahon ni late ex-PNoy na nakapagpakulong ng mga senador at kongresista na kulimbat!
Anyway, abangan natin kung may pangangalanan ngang most corrupt presidentiable si Duterte. Sinabi niya kasing iaanunsyo niya ito one of these days.
Subaybayan!