Advertisers

Advertisers

MAHIGIT 300 NA MAHIHIRAP NA PAMILYA SA MALABON, TUMANGGAP NG TULONG MULA KAY SEN. BONG GO

0 172

Advertisers

Kasunod ng pagpapalawig ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Alert Level 3 status sa Metro Manila mula January 16 to 31, tiniyak ni Senador Christopher “Bong” Go na ipagpapatuloy niyo ang pagbibigay ng tulong at isusulong ang kapakanan ng mga bulnerableng sektor na dumaranas ng mabigat na epekto ng pandemya.

Namahagi ang kanyangteam ng meals at masks sa 320 indigent families sa aktibidad sa Hong San Sing Kong Temple sa Malabon City noong January 20. Nagbigay din sila ilang bisikleta, computer tablets at mga sapatos upang maibsan ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga residente ngayong may pandemya.

“Napakahirap nitong pandemya kasi namatay ang tatay ko dahil sa COVID-19. Hindi ko matulungan ang aking ina kasi nawalan ako ng pasok sa trabaho at may pamilya ako. Gayunpaman, patuloy akong lumalaban para sa kinabukasan ng aking mga anak. Sa ngayon, nahihirapan sila kasi walang face-to-face learning,” ayon kay Joshua Domingo na isang fast food rider.



“Nagpapasalamat ako kay Senator Bong Go para sa aming assistance na natanggap. Napakalaking tulong ito at may pantawid gutom kami sa pang-araw-araw,” dagdag pa nito.

Sa video message, ipinaalala ni Go sa mga benepisyaryo na huwag patagalin ang pagkumpleto ng kanilang bakuna kontra COVID-19 at magpa-booster na rin.

“Hinihikayat ko ang lahat na magpabakuna lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Nasa datos naman na kung sino ang grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” babala ni Go.

“Kaya magpa-schedule na kayo sa pinakamalapit ninyong vaccination site. Huwag kayong matakot dahil ito ang susi para makamit natin ang herd immunity kung saan hindi na kakalat ang sakit na COVID-19 at makabalik tayo sa ating normal na pamumuhay,” saad pa niya.

Para naman sa mga nakararanas ng medical, surgical o mental health emergencies, pinayuhan ni Go ang mga ito na bumisita sa 31 Malasakit Centers sa Metro Manila, na ang pinakamalapit ay matatagpuan sa Ospital ng Malabon at San Lorenzo Ruiz General Hospital sa lungsod, kung saan maari nilang ma-avail ang medical assistance na alok ng pamahalaan.



“May dagdag pondo na iniwan ang Office of the President diyan para wala ng dahilan para hindi kayo tulungan. Ngayon, kung may hindi kayang gamutin diyan sa Malabon, magsabi lang kayo at kami na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sasalo sa inyo. Huwag na kayong maghintay magpa-checkup at baka lumalala ang kondisyon ninyo,” paalala ni Go.

Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, sinuportahan din ni Go ang paglalagay ng box culvert at pag-upgrade ng kalsada sa kahabaan ng P. Bautista Street sa Barangay Panghulo bilang bahagi ng kanyang pangako na tutulong sa infrastructure development sa Malabon City.

“Alam ko po na marami ang nahihirapan ngayon dahil sa krisis dulot ng COVID-19. Hirap na din kami ni Pangulong Duterte subalit kayo ang nagbibigay ng inspirasyon at lakas sa amin para paigtingin pa namin lalo ang aming serbisyo para sa kapakanan ng bawat Pilipino,” sabi ni Go.

“Kaya tulungan niyo kami para malampasan natin itong krisis na ito. Magbayanihan at magmalasakit tayo sa ating kapwa. Huwag tayo mawalan ng pag-asa dahil nandito ang gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo. Hindi kayo pababayaan ng administrasyong ito,” saad pa niya.

Una nang tinungo ng outreach team ni GO ang ilang lugar sa Metro Manila para magpa-abot ng tulong sa mga biktima ng sunog sa mga lungsod ng Caloocan, Parañaque, Pasig, Quezon at Taguig.