Advertisers
IKA-8 ng Pebrero: Ito ang petsa ng opisyal na umpisa ng kampanya sa halalang pampanguluhan ng 2022. Ngayon pa lang, nararamdaman ang init ng kampanya ng mga kandidato. Kakaiba ang halalang ito dahil mas nangingibabaw ang diwa ng negative campaign. Mas binibigyan ng pansin ang mga negatibong aspeto ng mga gawain at pagkatao ng ilang kandidato.
Tampulan ng negative campaign si BBM. Siya ang sentro ng mga tuligsa at batikos na maaaring maisip kontra sa isang kandidato na humaharap sa bayan bilang kahalili ni Rodrigo Duterte. Maraming natizen ang nagsasabi na ayaw nilang maulit ang madilim na kahapon kung saan nabudol-budol ang sambayanang Filipino nang mahalal si Duterte noong 2016.
Nahalal si Duterte sa tulong ng mga korap na pamilya Marcos, Arroyo, at Estrada, pagbaha ng mga fake news sa social media na ibinigay ng army ng mga troll at mga patapong blogger, at tulong pinansyal ng China kapalit ang ilang bahagi ng West Philippine Sea. Madaling nanaig si Duterte ngunit noong nasa pwesto na, nabisto na batugan sa gawain ng pangulo, walang pangarap sa bansa, hindi marunong mag-isip ng mga solusyon sa suliranin ng bansa, at duwag sa pagharap sa pangangamkam ng China sa ating teritoryo.
Isinuka si Duterte sa kawalan ng solusyon sa pandemya, malawakang korapsyon sa kanyang gobyerno, at walang habas na patayan sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga. Hindi nais ng mga kababayan na maulit ang bangungot sa ilalim ni Duterte kaya todo-todo ang negative campaign laban kay BBM.
“Kahit ilan pang debate ng mga kandidato ang panonoorin ninyo, just remember: huwag iboboto ang sinumang magnanakaw, sinungaling, sabog, at kriminal. Iyan lang ang punto sa ikauunlad ng bansa. Huwag magpalinlang. Maawa tayo sa ating Inang Bayan.” Ito ang panawagan ni Mel Sta. Maria, kasalukuyang dekano ng FEU College of Law at isang responsableng netizen.
May katwiran na maging sentro ng negative campaign si BBM. Walang record na nagtrabaho si BBM. Maliban sa mga pwestong pulitikal, hindi nagtrabaho si BBM. Nabuhay siya sa kulimbat ng amang diktador. Nabuhay siya sa kainungalingan at panlilinlang sa sambayanan. Kilala siya bilang pipitsgin anak ng diktador.
Batugan siya kapareho ni Duterte. Walang malinaw na nagawa. Walang malinaw na plano o plataporma pulitikal at programa sa gobyerno. Tanging katangian niya na dala lang niya ang pangalang Marcos. Nag-uumapaw ang kasinungalingan sa kanyang kampo.
Hindi niya inamin na nangulimbat ang kanyang pamilya sa kaban ng bayan noong panahon ng diktadura ng kanyang ama. Mas lalo na wala siyang balak na ibalik ang mga nakaw na yaman. Ito ang kanyang ginagamit upang igisa tayo sa ating sariling mantika. Niloloko tayo ni BBM kaya may katwiran na maging tampulan siya ng negative campaign.
Isang tampulan ng negative campaign si Isko Domagoso na nakasentro sa sarili ang kampanya. Si Isko ang pinakamagaling, ayon sa kanya. Dito umiikot ang kanyang guni-guni. Ngunit wala siyang patunay dahil hindi pa natatapos ang una niyang termino bilang alkalde ng Maynila. Maliban saq binaldehan ni Isko ang Maynila na iniwang nanlilimahid ni Erap Estrada na anim na taong naglingkod bilang alkalde, walang iniwan si Isko na ikatutuwa ng mga mamamayan. Ambisyoso lang si Isko
***
NAISAHAN ni Commissioner Rowena Guanzon ang dalawang commissioner na kasama niya sa division na may hawak sa petisyon ng disqualification ni BBM. Kung hindi magdedesisyon agad, ihaharap niya sa bayan ang sarili niyang desisyon. Sinabi niya na bumoto na siya ma-disqualify si BBM. Inamin niya na nalusutan lang ni BBM ang Comelec.
Hindi totoo na nagbayad ng back taxes si BBM. Hindi totoo ang mga resibo na iniharap ng mga itinuring niyang “mga lampang abugado” ni BBM. Sa pagsusuri ng sariling abogado ni Guanzon sa Comelec, nalaman nila na resibo sa “lease rental” ang mga iniharap ni BBM. Nanloloko sa madaling salita si BBM. Sanay kasi na manlinlang si BBM.
Walang nagawa ang kampo ni BBM kay Guanzon kundi takutin na maghaharap sila ng sumbong na disbarment laban sa kanya. Hindi nila alam na palaban si Guanzon. Hindi sila kasisindakan ng magreretirong commissioner. Disbarment? Hindi kailangan ni Guanzon na magtrabaho kapag natapos ang termino niya. Hindi niya iindahin ang ganyang hagupit.
Iniharap ni Guanzon ang isyu sa bayan. Sinabi niya na ilalabas niya ang kanyang desisyon kahit wala ang dalawang commissioner. Hindi nila mapipigil si Guanzon. May sarili pag-iisip ang babae mula Negros Occidental. Hindi nila hawak sa ilong si Guanzon.
***
POST ito ni Danny J. Eguia, isang netizen:
As a Christian nation, our first and foremost criteria for selecting a leader is God’s commandments. In simple and unadulterated message, God forbids us to lie, steal, and kill. Why vote for anyone who do and did any of those? In fact, inclusion of those in the list of candidates is an injustice in itself!
Reject the liars, thieves, and murderers!
Proverbs 6:16-19
There are six things that the Lord hates, seven that are an abomination to him: haughty eyes, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, a heart that devises wicked plans, feet that make haste to run to evil, a false witness who breathes out lies, and one who sows discord among brothers.
“He who passively accepts evil is as much involved in it as he who helps to perpetrate it. He who accepts evil without protesting against it is really cooperating with it.” – Martin Luther King
Sa Tagalog: “Ang mga umaayon sa kasamaan ay kasali rin sa paggawa nito. Ang tumatanggap sa kasamaan na hindi nagrereklamo laban dito ay tumutulong sa masama”
***.
MGA PILING SALITA: “Smart move by Commissioner Guanzon. She will be remembered as the Commissioner who courageously defied the powers-that-be against all odds to assert the independence of the Comelec as mandated by the Constitution.” – Sahid Sinsuat Glang, netizen
“We will be cursed as a nation if we elect a president, who sees the truth and knows the truth …but still continues to spread lies!” – Winston Hipe, netizen
“Mahalaga ang boto ni Comm. Guanzon bilang Chair ng Comelec Second Division. The good Commissioner confirmed what we asserted in our petition. Binuking niya ang matagal nang pambubudol ni Bongbong Marcos. Hindi kwalipikado na lumahok si Bongbong sa ating halalan. He is perpetually disqualified from seeking public office due to a 1995 tax evasion conviction, which was confirmed no less by his lawyer in a Comelec preliminary conference.” – Akbayan Party List