Advertisers

Advertisers

4 katao arestado sa pekeng dolyar sa Pampanga at Tarlac

0 188

Advertisers

ARESTADO ang apat katao sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga at Tarlac sa umano’y pagmamay-ari at pamamahagi ng mga ito ng pekeng US dollars.

Dalawang lalaki ang dinakip ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) sa Angeles, Pampanga nang hindi tanggapin ng mga money changer ang pekeng dolyar na inabot ng mga ito.

Ayon sa NBI, nasaksihan ng isang NBI personnel sa akto ang mga lalaki na sinusubukang magpapalit ng pekeng pera. Nakita rin ang pagtanggi ng money changer na palitan ang dolyar dahil peke ang mga ito.



Matapos arestuhin, narekober sa mga suspek ang 78 piraso ng pekeng 100 US dollar bills.

Samantala, nahuli rin ang dalawang babae sa isinagawang follow up operation sa Bamban, Tarlac.



Batay sa NBI-SAU, ang mga babae ang pinagmumulan ng mga pekeng dolyar sa Pampanga.

Nakumpiska sa mga ito ang pekeng US dollars at dalawang bundle ng pekeng P1,000.



Ayon kay NBI-SAU Executive Officer, Atty. Kristine dela Cruz, nahaharap sa illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit ang mga nadakip.