Advertisers
TIMBOG ang dalawang lalaki nang mabulilyaso ang pagholdap sa isang Indian national sa barangay Dalig, Antipolo City, Miyerkules ng tanghali.
Ayon sa ulat, nasa Sampaguita Street ang biktima nang harangin ng mga holdaper na magka-angkas sa motorsiklo at tinutukan ng baril.
Kaagad humingi ng saklolo ang biktima at tiyempong nandoon ang off duty pulis na si Patrolman Lemuel Romualdez na naka-assign sa Aviation Security Group.
Narinig ni Romualdez ang komosyon sa tapat mismo ng kanyang bahay.
Rumesponde si Romuladez at nakipagbarilan sa dalawang holdaper. Sa takot, binitiwan ng mga holdaper ang kanilang baril at tumakas.
Naaresto ang isa sa mga holdaper, habang ang kasama nito ay nadakip ng Antipolo Police sa follow up operation.