Advertisers

Advertisers

Quiboloy, nasa ‘most wanted list’ ng FBI

0 428

Advertisers

Nasa wanted list na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy at dalawang miyembro ng simbahan.

Sa inilabas na wanted poster ng FBI, makikita ang larawan ni Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.

Ayon sa FBI, si Dandan ang diumano’y “international administrator” na isa sa mga nangungunang tagapangasiwa ng simbahan ni Quiboloy at ang mga pekeng charity operations nito sa US; habang si Panilag naman umano ang tagapagkolekta ng financial data mula sa mga operasyon ng simbahan sa buong mundo.



Nahaharap sa kaso si Quiboloy dahil umano sa partisipasyon niya sa labor trafficking scheme kung saan dinala nito ang ilang miyembro ng simbahan niya sa US gamit umano ang mga pekeng visas.

Pinipilit umano nito ang mga miyembro na humingi ng donasyon para sa bogus na charity na ang katotohanan pala na ang pera ay gagamitin sa operasyon ng kanilang simbahan at ang magarbong pamumuhay ng leader nila.

Dagdag pa ng FBI, ang mga babae na kaniyang kinukuha,nagtatrabaho bilang personal assistants na pinipilit umanong makipagtalik kay Quiboloy.

Magugunitang noong Nobyembre, nadiin ng korte sa US si Quiboloy at ilang opisyal ng simbahan dahil sa pagpapatakbo ng sex-trafficking operation at pagbabanta sa mga biktima.

Inilabas ang warrant of arrest kay Quiboloy noong Nobyembre 10, 2021.
Una nang itinanggi ng abogado ng pastor ang mga alegasyon laban sa kanyang kliyente.

Kung maalala malapit na kaibigan si Quiboloy ng Pangulong Rodrigo Duterte at nagsilbi pa itong spiritual adviser.



Samantala, naglabas na ng pahayag si Quiboloy kaugnay sa pagkakalagay nito sa most wanted list ng FBI.

Sa online sermon nito sa Kingdom of Jesus Christ Church, inihalintulad ni Quiboloy ang kaniyang sarili kay Joseph na dumaan sa maraming pagsubok.

Pero ayon kay Quiboloy, kapag nasa kamay ng Diyos ang tao, mangyayari ang miracle at hindi magtatagumapay ang may masamang nais.