Advertisers

Advertisers

PARA SA KINABUKASAN NG MGA ANAK NATIN ANG ELEKSIYONG ITO: YORME ISKO

0 218

Advertisers

MADAMDAMING inialok ng Team Isko ang kanilang serbisyo para sa magandang kinabukasan ng bansa mensahe ito ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa ambush interview sa kanya ng media nitong Linggo, Peb. 13 sa Pasay City bago magumpisa ang motorcade sa patuloy na pagkampanya para sa eleksiyon sa Mayo 2022.

Sa maraming tinigilang lugar ng Team Isko-Doc Willie motorcade sa Maynila, Rizal, Laguna, Navatos, Malabon, Quezon City at Pasay City, ipinagtapat ni Yorme Isko na mabigat ang laban nila sa eleksiyon ngayong taon.

Napuno ng sigaw na “We love you, Yorme!” ang umpukan ng mga tao na tinugon ni Isko ng pakiusap na iboto ang Team Isko sa darating na eleksiyon.



Sa unang arangkada ng motorcade ay agad na mainit ang pagtanggap ng mga taong sumisigaw ng galak na galak at kumakaway sa kanya, kasama si Doc Willie Ong, katiket na bise presidente, mga kandidatong senador Samira Gutuc, Dr. Carl Balita at dating konsehal ng QC, Jopet Sison kung saan sinabi nito na “Amoy na amoy” niya ang pagmamahal ng mahihirap na pamilyang Pilipino.

“I love you,” sabay ay matamis na ngiti at kaway ang isinukli ng 47-anyos na kandidatong presidente ng Aksyon Demokratiko sa mga taong sumasalubong at kumakaway sa kanya.



“Mga kababayan, sana tulungan n’yo kami ni Doc Willie. Tandaan po ninyo, ang laban na ito ay tungkol sa mga anak nyo, sa mga anak natin, tungkol ito sa kinabukasan nila,” sabi ni Yorme Isko.

Sa maraming tinigilang lugar ng Team Isko-Doc Willie motorcade sa Maynila, Rizal, Laguna, Navatos, Malabon at Quezon City, ipinagtapat ni Yorme Isko na mabigat ang laban nila sa eleksiyon ngayong taon.



“Hindi biro etong laban namin puro bigatin yan. Pero may awa ang Diyos, kaya po nating talunin ang mga higante. Kaya sa inyo kami lumalapit, sa inyo kami humihingi ng tulong,” sabi ni Yorme Isko.

Aniya, ang boto para sa Team Isko-Doc Willie ay boto sa kinabukasan ng bansa.

“… boto nyo sa amin ay boto para sa mga paaralan, ospital, pabahay, at trabaho. Yun ang bobotohan nyo sa amin ni Doc Willie. Dalawang taon ng anim na taon ay itatawid namin kayo sa pandemyang ito, iraraos natin at magpapantay-pantay ang bawat Pilipino, walang mahirap, walang mayaman, lahat pantay-pantay,” madamdaming pakiusap ni Yorme.

Panahon na, sabi ni Yorme Isko na ituwid ang katotohanan sa nangyari sa bansa sa nakaraang mahigit na 39 na taon.

Sa isang pagkakataon, bumaba si Yorme Isko sa kanyang sasakyan, pinuntahan ang isang matandang babae nasa silyang-de-gulong na niyakap niya at nakipag-selfie dito.

Bilang pagrespeto, nagmano si Isko sa isang matandang mag-asawa na nakitang nag-aabang sa kanilang motorcade.

“Amoy na amoy ko kayo, I love you,” sigaw ni Yorme Isko sa dagat ng mga taong sabik na makita siya sa kalsada na may ibinabanderang pangalan at larawan ng Team Isko-Doc Willie.”