Advertisers
Nakikita ni Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang mga katunggali si Sen. Ping Lacson na posibleng maging bahagi ng kanyang gobyerno sakaling siya ay palaring manalo bilang Pangulo sa May 9,2022 elections.
Ayon kay Moreno, si Lacson ay asset ng bansa na aniya ay kanyang ginagarantiya dahil mayroon itong partikular na skillset na kapaki-pakinabang para sugpuin ang isang suliranin ng ating pamayanan, ng ating bansa.
Ang pinakamandang posisyon aniya na maaring maibigay kay Lacson ay labanan ang korupsyon o ‘anti-corruption czar’ dahil naniniwala ito na siya ay kuwalipikado.
Ngunit hindi naman umano niya pinangungunahan ang pasya ng mamamayan sa halalan at magagawa lamang niya ito kung siya ang mapipili ng taumbayan.
“I will cross that bridge when we get there, ‘di ko alam kung siya ang papalarin o ako ang papalarin,” ayon pa kay Moreno.
Nakapaloob umano sa kaniyang pokus ng gobyerno sa unang dalawang taon ang ‘buhay at kabuhayan’ ng mga Pilipino at nakapaloob dito ang paglaban sa korapsyon.
“Kailangan ko ng tulad ni Sen. Lacson to address corruption and discipline in the government,” dagdag ng alkalde. (Jocelyn Domenden)