Advertisers

Advertisers

SA GOBYERNONG MORENO, PAPANATAG ANG ORDINARYONG TAO

0 240

Advertisers

KASABAY ng mainit at masiglang hiyawan ng “Isko! Isko! Isko!”, “I love you Isko!” at “Walang atrasan Yorme!”, pinanindigan ni Aksyon Demokratiko presidential bet Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na isang gobyernong tunay na maglilingkod ang ibibigay niya sa mamamayang Pilipino.

Sa mensahe sa La Paz Plaza sa Iloilo City, hinikayat ni Yorme Isko ang libo-libong Ilonggo na samahan siya sa paglikha ng gobyernong magbibigay ng magandang kinabukasan sa ordinaryong tao.

“Ordinary Filipinos, deserve a better future. This is not about us. This is about your children’s future. This is all about you. Bigyan nyo ang inyong sarili ng peace of mind,” panawagan ng 47-anyos na kandidatong pangulo.



Kung manalo sa eleksiyon sa Mayo 9, sinabi ni Yorme Isko na makakaasa ang mga ordinaryong Pilipino na uunahin ang magbigay ng murang bilihin, murang koryente, murang gasolina, trabaho, bahay, edukasyon, ospital.

“Tao lang, sa tao lang. Yon ang ginawa ko sa Maynila, kayang gawin sa buong bansa. Basic governance, minimum basic needs. Yon ang gagawin ko,” pahayag ni Yorme Isko na sinasabayan ng mainit na indayog ng mga sigaw ng paghanga at pangakong “Walang Atrasan,” “I love you, Isko.”



Ipinangako ni Isko na tatapusin niya ang alitan, kaguluhan sa bansa, at ibibigay niya sa mamamayang Pilipino ang kapanatagan.

“Tuldukan natin. Itong 2022, bigyan na natin ng kapanatagan ang ating sarili. This is all about you, this is about your children. Kapanatagan, ‘yun ang inyong maaasahan sa amin, magandang kinabukasan, peace of mind,” sabi ni Yorme Isko. (BP)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">