Advertisers
ILALABAS pa rin ng Senate committee on public order and dangerous drugs ang kanilang ng kanilang panel report kahit ipinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang E-Sabong operations.
Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, bilang chairman ng nag-imbestigang lupon, tumutok lamang sila sa mga nawawalang sabungero, habang kaunting oras lang ang nailaan sa mismong E-Sabong operation issue.
Ito raw kasi ay tungkulin na ng executive branch ng gobyerno.
Subalit para sa mga mambabatas, malaking bagay ang pagpapahinto sa online sabong upang hindi na malulong pa ang marami sa ganitong uri ng sugal.