Advertisers

Advertisers

1K covid cases kada araw posibleng maitala sa NCR matapos ang eleksyon – OCTA

0 222

Advertisers

MAAARI umanong makapagtala ng hanggang 1,000 bagong kaso ng COVID-19 kada araw ang National Capital Region (NCR) sakaling magkaroon nang muling pagdami ng mga bagong kaso ng sakit matapos ang halalan sa Lunes, Mayo 9.

Sa idinaos na Laging Handa briefing nitong Huwebes, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, na sa ngayon, ang buong Pilipinas, kabilang ang NCR, ay nananatili pa rin naman sa low risk category para sa COVID-19.

Gayunman, babala niya, maaaring biglaang magbago ang sitwasyon, bunsod na rin ng banta ng iba’t ibang variant ng COVID-19 at sub-lineages nito na makapasok sa bansa, lalo na kung magiging pabaya ang mga mamamayan at hindi tatalima sa ipinaiiral na health protocols.



“‘Yung projection natin, kung wala namang pagkalat o pagtaas ng kaso, we’re still seeing cases will remain low in NCR basta nag-iingat tayo. Ngayon, we’re averaging less than or around 100 cases per day sa NCR,” ani David.

“May different scenarios tayo na tinitingnan. Kung magkaron ng pagtaas ng kaso, we may see up to 500 to 1,000 cases per day sa NCR pero sana naman hindi mangyari ‘yun,” aniya pa.



Noong Linggo, una nang sinabi ni David na ang NCR ay nakapagtala ng uptick ng COVID-19 infections mula Abril 24 hanggang 30, matapos na tumaas ng 7% ang growth rate nito kumpara sa datos na naitala mula Aaril 17–23.

Binanggit din naman ni David na kasalukuyang minu-monitor ng OCTA ang sitwasyon ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa, gaya ng Benguet, Davao Region, Cebu, at Isabela.



Muli rin namang binigyang-diin ni David na mahalaga ang pagpapabakuna laban sa COVID-19, gayundin ang pagtalima sa health protocols upang makaiwas sa malalang karamdaman. (Andi Garcia)