Advertisers
PINAALALA ng aktres na si Ciara Sotto na kung malasakit lang sa tao ang pag-uusapan, sure na may resibo sina Presidential candidate Ping Lacson at VP bet niyang si Tito Sotto.
Nag-thank you kc si Ciara sa Instagtam post ng actress-singer na si Marissa Sanchez, tungkol sabakit sina Lacson at Sotto ang dapat na iboto sa darating na halalan ngayong Lunes, May 9.
Ipinunto ni Marissa ang mga banta ng “kaguluhan” kapag natalo ang ilang kandidato. Kaya tanong niya, paano kung sina Ping at Tito ang piliin ng mga tao.
“Tingin nyo pag si Sen. Lacson and SP Sotto ang manalo palagay nyo magkakagulo pa rin? Tingin nyo lang?
Magugunita na si Sotto lang ang unang sinusuportahan ni Marissa pero bigla siyang nagpasya na suportahan na rin si Lacson dahil sa malinis nitong record sa paglaban sa korapsiyon.
Kaya nagkomento si Ciara at sinabing sina Lacson at Sotto ang higit na karapat-dapat na iboto dahil handa silang magsakripisyo para sa mga tao. Gaya ng ginawa ng dalawa noong panahon ng lockdown at patuloy na nagtrabaho para maipasa ang batas na Bayanihan 1 at Bayanihan 2.
“The ones who deserve our votes are the ones who sacrificed their lives and was brave enough to go to work in the senate physically (not hiding behind a computer Kahit seniors sila),” sey ni Ciara.
“Even during the strictest lock down cos of covid, just to be able to pass Bayanihan 1 and 2, to help our kabababayans. Eto Ang mga pang-giyera. Silang dalawa yung karapatdapat,” dagdag nito.