Advertisers
Nahaharap sa kasong malversation of funds si Alicia Bohol Mayor Torres, markaraan ibuko ng Commission on Audit ang umano’y maanomalyang procurement gamit ang pondo ng bayan ng Local Government Unit (LGU) sa ilalim ng pamamahala ni Alicia ,Bohol Mayor Victoriano C. Torres III.
Base sa inilabas ng report ng Commission on Audit (COA), lumalabas na ang mga biniling IT supplies at All Terrain Vehicle na ipinamudmod sa 15 barangays ay may problema sa presyo, sa paraan ng pagbili at maling diversion o paglipat ng pondo.
Ayon sa COA mayroong anomalya at deficiencies sa pondo at budget na ginamit sa pagbili ng 15 ATV na nagkakahalaga ng P2,218,000 at ikinokonsiderang irregular na paggastos ng munisipalidad. Ang budget na ginamit ng LGU ay nakalaan para sa pagbili ng barangay rescue vehicle at hindi all-terrain vehicles. Napagkasunduan at inaprubahan ang design ng rescue vehicle na may sidecar na nakakabit sa isang motorcycle at hindi ATV.
Ayon pa rin sa COA, hindi rin eligible para sa registration sa LTO kaya hindi ito kinokonsidera na legal vehicle. Hindi rin umano tama na ang ATV ang gamitin bilang rescue vehicle dahil ginagamit itong sa off road at hindi sa makinis na daan na karaniwang dinadaan ng emergency vehicle.
Ginagamit umano ang ATV bilang recreational vehicle at hindi pang emergency. Ginagamit umano ang ATV sa tourism at hindi bilang rescue vehicle. Wala rin umanong permit mula sa DILG para bumili ng ATV ang nabanggit na LGU.
Hiniling din ng COA na magpaliwanag sina Municipal accountant Mary Jessuanie L. Licayan, Internal Auditor Zen Angelique Villas, at former GSO/Current LDRRMO IV Juluis Golosino. Lumalabas sa eksaminasyon sa transaksyon CY 2021, na bumili ang municipality ng 11 units of All-terrain vehicle sa pamamagitan ng public bidding noong March 29, 2021 via Single Calculated and Responsive Bid.
Ayon sa COA mali ang ginawang pagbili ng ATV dahil hindi ito ang nakalagay sa dapat pagkagastahan ng pondo at ikinokonsidera itong illegal diversion of fund na papalo sa technical malversation of fund ng LGU sa pamumuno ni Mayor Torres.
Base sa Art. 220 ng Revised Penal Code, ang iligal at maling pagamit ng pondo at property sa ilalim ng kanyang administrasyon may parusa sa batas ng pagkakakulong ng prision correction sa maximum nitong period at maaring mabigyan ng parusang temporary special disqualification.
Maging ang pagbili umano ng mga IT supplies ay kwestiyonable rin dahil masyadong mataas ang contract price kumpara sa market price. Dahil dito inatasan ng COA na magpaliwanag ang mga opisyal at kung hindi sila magsusumite ng kanilang paliwanag.
Ang isa sa ATV na binili ng Pamahalaan ng Alicia Bohol na umanoy illegal Diversion of Fund na nagkakalahaga ng P2,218,000 pesos. Sa ilaliim ng administrasyon ni Mayor Victoriano C. Torres III. Na may kasong Malversation of Fund. para sa Temporary special Disqualification.