Advertisers

Advertisers

KONTRA TRAPO

0 493

Advertisers

MATINDI ang damdamin kontra-trapo at malaking pamilyang pulitikal sa halalan na ito. Pagtanggi sa mga dinastiyang politikal ang isa sa mga dahilan kung bakit pumunta ng presinto at bumoto. Marubdob ang hangarin ng maraming botante na mabago ang lipunan upang malasap ang tunay na diwa ng demokrasya.

Batid ni Leni Robredo ang malaking galit ng sambayanan sa mga malalaking pamilya na kumokontrol sa mga pangunahing sangay ng gobyerno. Ito ang dahilan kung bakit sa pagbuo ng tiket na mga kandidato ng “Tropang Angat” sa Senado, wala kahit isa anmg kumakatawan kahit isa sa mga malalaking pamilya pulitikal.

Naramdaman niya ang balikwas ng damdaming ng sambayanan kung saan hihingin ang paghalal sa mga kandidatong hindi kabilang sa mga malalaking dinastiya pulitikal ng bansa. Minarapat ni Leni na patakbuhin sa kanyang tiket ang mga kandidato hindi kabilang sa malalaking pamilya.



Hindi suportado ng malaking pamilya ang mga kandidatong tulad ni Risa Hontivero, Leila de Lima, Chel Diokno, Sonny Trillanes, Alex Lcson, Sonny Matula, at Teddy Baguilat. Pitong kandidato lang ang isinasabak ng Tropang Angat, ngunit malinaw na hindi kabilang sa malalaking pamilya.

Bagaman malinaw na itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987 na bawal sa mga dinastiyang politikal, hindi naisakatuparan ang probisyon ito dahil sa kawalang ng batas na magpapatupad nito. Hindi ipinasa ng Kongreso ang alinman sa mga panukalang batas na ang layunin ay ipatupad ito.



Katawa-tawa ang susunod na Senado sapagkat maaaring makita na magkakamag-anak ang kasapi ng Senado. Kung mahahalal si Mark Villar, makakasama niya sa Senado ang ina na si Cynthia. Kung mananalo si Jojo Binay, kasama niya ang anak na si Nancy; si Alan Peter Cayetano, ang kapatid na si Pia. Kung papalarin si Jinggoy Estrada at JV Ejercito, magkapatid ang magkasama.

Hitik sa mga dinastiya ang mga posisyon sa local government at Kamara de Representante. Kung papalarin si Sara Duterte, nandiyan ang kapatid na si Baste bilang alkalde ng Davao City at Polong Duterte na tumatakbo para reelection. Gayon rin sa mga Marcos. Senadora kasalukuyan si Imee at tumatakbo sa Kongreso ang pamangkin.



Lukbang nakakahilo kung babanggitin isa-isa ang mga pamilyang trapo, o basahan ng pulitika ng Filipinas. Kahit walang malinaw na kuwalikasyon, hangad nila ang poder. Marami sa kanila ang walang malinaw na tinapos upang maging karapat-dapat sa inaasam nilang posisyon

***

MGA halaw sa talumpati ni Leni Robredo sa miting de avance noong ika-7 ng Mayo sa Makati:

“… Dinala tayo dito ng iba’t ibang kuwento. Marami sa atin, nandito bilang kulminasyon ng ilang buwan ng pakikilahok. May iba ring matagal nang kahanay pero dumadalo sa rally sa unang pagkakataon; mga ayaw palipasin itong huling araw ng kampanya nang hindi nabibilang. Bawat isa sa inyo, patunay: Hindi lahat natutulog ngayong isinusulat ang kasaysayan. Noong Oktubre, tinawag ko kayong gisingin ang inyong lakas—at tumugon kayo. Ngayong gabi, buong pagmamalaki nating masasabi: “Nandito ako, kasama ako, tumataya ako.

“Kahit po noong tumakbo, nanalo, at nanungkulan ako bilang Pangalawang Pangulo, tuloy ang pagbabalik ko sa mga katotohanang ito. Sa bawat sandaling kailangang magnilay: Noong panahong isinantabi tayo sa Gabinete kung kailan inilalatag na sana natin ang plano para sa maayos na pabahay; sa bawat bagong kasinungalingang ibinato sa aming pamilya; sa election protest na hindi tinantanan gaano man kalinaw ang ating panalo; noong tanggapin natin ang pagiging drug czar kahit na alam nating isa itong patibong, dahil naniniwala tayong kung may kahit isang buhay na maliligtas, dapat gawin ang lahat; sa bawat gabing nagpuyat tayo para magdala ng ginhawa sa mga nagugutom, sa mga ineetsa-puwera, sa mga pinagdusa ng iba’t ibang krisis– sa lahat ng pagkakataong ito, bumabalik tayo sa tanong ng pagkamulat at ng karugtong nitong pagkilos: Ano ang puwede nating gawin?

“Pinatunayan ninyo ngayon: Parating may magagawa ang Pilipino. Iba-iba man ang konteksto natin, dito at ngayon nagtatagpo ang ating iba’t ibang mga kuwento. Sa katotohanang ang kapangyarihan, hindi kailanman maaagaw mula sa kamay ng taumbayan. At sakali mang may magtangkang agawin ito, pumapalag tayo, may lakas na nagigising sa atin at nagtututok ng sarili sa dakilang layunin.

“Eksaktong pitong buwan na ang nakalipas. October 7, inihain ko ang sarili bilang kandidato sa pagka-Pangulo. Aaminin ko: Tanging pananalig ang pinanghawakan ko; walang survey na nagsabing kapag tumindig ako, may titindig sa tabi ko.

“Pero kahit kailan, hindi ako nagduda. Hindi ako kailanman nawalan ng pag-asa, dahil alam kong mahal ng Pilipino ang kapwa niya Pilipino. Kahit magkakalayo, gumawa kayo ng paraan para ibandila ang pakikilahok. Kahit walang bayad, kahit abonado, kahit matrapik, pumunta kayo sa mga pagtitipon; ibinuhos ang inyong talento sa paggawa ng kanta, ng tula, ng mga mural, ng mga placard; miski ang pang-merienda ng mga kasama, sinagot n’yo pa. Ang mga celebrity, itinaya ang karera at pangalan. Kahit gutom at uhaw at nakabilad sa araw, sige lang sa pagtayo; kahit pagod na, naglakad pa rin kayo para hanapin ang susunod na pinto. Kaya maraming, maraming, maraming salamat, dahil sinabayan ninyo akong ipaglaban ang ating bansa.

“Simula pa lang, mulat na ako: Ang laban na ito, hindi tungkol sa iisang tao o kandidato. Behikulo lang ako ng pag-ibig na sumasaklaw sa bawat Pilipino. Hindi madaling ipaliwanag ang pag-ibig na ito; paminsan pa nga, tinatawag na misteryo. Pero tiyak na tiyak nating nagmamahal tayo, dahil tayo mismo ang nagdadaan dito.

“Wala akong kaduda-duda: Alam na alam ng bawat Pilipino ang pakiramdam na ito. Alam ito ng mga magulang na napapapikit na sa antok, pero diretso pa rin sa trabaho, dahil katumbas ng pahinga ang gutom ng kanyang pamilya. Alam ito ng lahat ng lumulunok ng hiya para mangutang ng pantustos sa pangangailangan ng anak niya. Alam ito ng mga handang gawin ang lahat para lang makahiram ng sasakyan, dahil kailangang itakbo sa ospital ang may sakit. Alam ito ng bawat isa sa ating nakaranas ng peligro o kaba, pero ang unang pumapasok sa isip ay kung paanong masisigurong ligtas ang mga mahal niya sa buhay. Ito ang katotohanang tinatayaan natin Hanggang sa huli nating hininga: Walang Pilipinong hindi marunong magmahal.

“Magkakarugtong ang pag-asa ng bawat Pilipinong kumakayod, nagsasakripisyo, nagmamahal ng kanyang kapwa. Sana makaraos, sana guminhawa, sana maabot ng mga mahal ko sa buhay ang mga pangarap nila. At kung mahal natin ang Pilipinas, madaling ipinta ang eksena ng mga pangarap na ito. Isang bansa kung saan walang magugutom. Kung saan makakapagpagamot ang maysakit, may pera man siya o wala. Makakapag-aral ang kanyang mga anak. Kung magbanat ka ng buto, makakaipon ka, magkakabahay ka nang sarili, at maitataguyod mo ang lahat ng kailangan ng pamilya mo. Makakarating ka nang ligtas at mabilis sa gusto mong patunguhan, dahil maayos ang sistema ng transportasyon. Makakamit ang hustisya; lalaya ang mga inosente, at mananagot ang mga nagkasala.

“Hindi ko ipapangako na makakamtan natin agad ang lahat ng ito, o na mawawala ang lahat ng problema natin sa isang iglap lamang. Pero ang panata ko: Sa landas para maabot ang solusyon, palalayain kayo ng gobyerno mula sa dumadagan sa inyo, tatabihan kayo sa pinagdaraanan ninyo, ibubuhos ang lahat ng sandali, bawat piso ng buwis natin, ang buong lakas para iangat ang buhay ng lahat ng Pilipino. Magkakaroon tayo ng gobyernong makikinig sa atin; na pupuntahan tayo, nasaanman tayo; na mamahalin tayo ng tunay.

“Ngayon ang huling araw ng kampanya. Napakaraming aral ang ibinahagi sa atin ng mga nakaraang buwan. Natutuhan natin: Palaging mas radikal ang magmahal. Ang pagbaklas sa luma at bulok na sistema, nagsisimula sa pagtigil ng bangayan, sa pagkilala sa halaga ng isa’t isa, sa pagdidiin sa katotohanan: Na ang tunay na pag-ibig, niyayakap ang lahat. Lumalabas sa nakasanayan, walang iniiwan, walang tinatalikuran.“