Advertisers

Advertisers

KUDOS SA PNP

0 470

Advertisers

HAYAAN niyo muna ko pagpitaganan ang Philippine National Police (PNP) sa walang humpay na pagtugis sa mga suspek ng 2009 Maguindanao massacre. Dahil kamakailan ay nadakip nila si
Datu Harris Ampatuan sa may Cotabato City.

Bilang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), kami ay nagalak sa kaganapang ito, at binibigyang pugay ang PNP.

Kudos sa mga operatiba ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Brig. Gen Eliseo Cruz sa kanilang pagkakadakip kay Datu Harris Ampatuan, isa sa mga matagal nang pinaghahanap na suspek sa massacre.



Saludo kami sa inyo mga sir at mam ng PNP-CIDG sa walang pagod ninyong pagsubaybay at pagtutok sa kaso, at sa inyong mahusay na pagtugis sa I a pang mga suspek.

Ang Maguindanao Massacre ang pinaka-matibding pagyurak sa malayang pamamahayag sa larangan ng kasaysayan sa Pilipinas sa panahon ng eleksiyon.



58 katao ang sabay-sabay na pinatay kabilang ang 32 journalists at media workers, noong November 23, 2009 habang nasa while in a caravan na saksi sa pagpafile ng candidacy ni noon ay Buluan Vice Mayor Esmael Mangudadatu para sa pagka-gobernador ng halalan 2010 sa Ampatuan, Maguindanao.

Nasakote ng PNP-CIDG si Datu Harris Ampatuan noong April 20, 2022 sa compound ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Cotabato City, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jocelyn Solis Reyes ng Branch 221 ng Regional Trial Court (RTC) sa Quezon City.



Congratulations PNP-CIDG for the job well done! Katuwang ninyo ang PTFoMS sa pagsubaybay sa mga ganitong kaso ng karahasan sa ating mga mamamahayag.