Advertisers
NAKAKUHA na ng puwesto sa House of Representatives ang siyam na party-list groups base sa partial at official tally ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayo ring National Board of Canvassers.
Kabilang sa mga nakakuha na ng 2 percent na boto ay ang ACT-CIS; Ako Bicol; 1-Rider; Ang Probinsyano; Sagip; Cibac; Ako Bisaya at ang Probinsyano Ako.
Maaring makakuha ng hanggang tatlong puwesto ang isang party-list group.
Sinabi ng Comelec, maari ring makaupo sa puwesto ang mga party-list na hindi nakakuha ng 2 percent ng boto dahil kinakailangan na 20 percent ng mga miyembro ng House of Representatives ay kinakailangan na galing sa marginalized sector.