Advertisers

Advertisers

Aga, Piolo at Gabby tahimik na sinuportahan si Robin nung eleksyon

0 317

Advertisers

Ni BETH GELENA

PINASALAMATAN ni Mariel Rodriguez
Padilla ang lahat ng bumoto sa mister niyang si Robin Padilla na nangunguna sa senatorial race.
Ani Mariel thru her social media account, “My senator is #1. We are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming maraming salamat.”
Si Robin ay supporter ni President Rodrigo Duterte, ang nag-grant sa kanya ng executive clemency nu’ng 2016 dahil.na-convict siya ng illegal possession of firearms nu’ng 1994.
That time ay nasa peak ng kanyang showbiz career si Binoe.
Taong 1996 ay hinatulan ng 17-21 years ang aktor ng pagkakakulong.
Pero nang si President Fidel V. Ramos na ang naupo ay nabigyan ng parole ang aktor kaya hindi siya nagtagal sa kulungan.
Unang araw pa lang ng botohan, May 9, ay may post na rin agad si Mariel.
“I voted!!!! Woke up at 5:15am showered at 5:20… arrived at 5:58. Lined up. Finished voting at 7am!!!! I AM SO PROUD OF YOU @robinhoodpadilla i was so emotional while shading #49 mahal na mahal kita ROBIN PADILLA!!!!”
Nang umarangkada na ang bilangan at si Robin ang nasa number one ay agad ding nag post ng pasasalamat ang misis ng aktor.
Sa iba pa niyang post ay mababasa ang, “On this day, allow me to thank everyone who showed their support for Robin. Luzon, thank you so much! From motorcades to caravans, nandyan kayo for Robin kaya maraming maraming salamat!
“For those in Visayas, ‘Maraming maraming salamat po sa lahat ng taga-Visayas na sinamahan si Robin sa kampanyang ito. I am very thankful for all the efforts and sacrifices you have given to support Robin.’”
At sa mgs Mindanao supporters, “Hanggang Mindanao, napakaraming sumusuporta kay Robin. Thank you very much Mindanao especially sa mga kapatid na Muslim ni Robin. Representation n’yo po sa senado ang pinaglalaban niya.”
Sa mga interview nga kay Robin ang lagi niyang sinasabi ay wala siyang pang financial support at makinarya para ma-sustain ang kanyang kandidatura.
Very grateful lang daw siya at andyan ang kanyang mga kaibigan sa UniTeam na sina Jinggoy Estrada at Mark Villar dahil pinasasakay siya ng mga ito sa kanilang motorcades at campaign sorties.
Nasurprise raw talaga siya sa resulta ng bilangan at hindi niya inakala na siya ang magta-top one sa listahan.
Sabi nga ng aktor sa isang panayam, “Kapag hindi nagbago yung trend at ako ay nanatili sa pagiging number one, isa lang po ang ibig sabihin non. Ang tao gusto na talaga ng federalism at ‘yan po ang napakalaking hamon sa lahat po ng mga senador na mananalo po magmula sa akin.
“Ang naging number one po dito ay yung kagustuhan ng taumbayan na palitan na po natin ang Saligang Batas, ‘yun po ang aking pinaniniwalaan. Yun po ang gusto ng taong-bayan. Hindi po ako, ang gusto po nila ay yung plataporma na ibigay ang kapangyarihan sa mga lalawigan,” pagbabahagi pa niya.
Pinasalamatan din ni Robin ang lahat ng sumuporta at naniniwala sa kanyang adhikain.
Para sa kaalaman lang ng lahat, sina Aga Muhlach, Piolo Pascual at Gabby Concepcion ay ilan lang sa mga celebrities na sumuporta sa “bad boy” ng Pilipinas pero ngayon ay isa nang senador.
Ang mas pinaka-grateful supporter ng aktor ay walang iba kundi ang misis niyang si Mariel na ginagawa ang lahat may maiambag lang na mga small things para sa mga supporter.
Tulad ng kanyang pagla-live selling na ang kinikita ay pinambibili niya ng mga simple tokens o kaya pampagawa ng mga T-shirt.
Congratulations Binoe Mabuhay ka!!!
***
MISIS PIGGY NI SYLVIA MAKABAGBAG DAMDAMIN
SADYA namang nakaka-touch ang mga eksena sa Misis Piggy ni Sylvia Sanchez.
Maraming komento ang mababasa sa comment ng iWantTFC kung saan doon mapapanood ang Mother’s Day offering series ni Sylvia.
Kasalukuyan pa ring napapanood nang libre sa Pilipinas ang lahat ng episodes ng Misis Piggy sa iWantTFC. Sinubaybayan ng netizens ang kwento ni Marivic (Sylvia), isang single mom na walang sawang binuhos ang kanyang pagmamahal sa tatlo niyang anak na sina Lani, Steffi, at Jeffrey (Ria Atayde, Iana Bernardez at Elijah Canlas).
Ayon sa mga nakapanood, very heartwarming ang series at pinatunayan na ang family ang pinaka-importante sa lahat.
Katunayan hindi raw nalalaman ng mga nakapanood na tumutulo na pala ang kanilang luha dahil nadadala na sila sa eksena.
Anyway, may nagtatanong na akala raw nila ay magpapahinga muna ang aktres.
Nabanggit kasi ni Sylvia sa kanyang last serye noon, ang Huwag Kang Mangamba, na di muna siya tatanggap ng proyekto, pero bakit daw heto at meron siyang Misis Piggy series.
Paliwanag ng aktres, “Bago ako nag-decide magpahinga sa serye, natanggap ko na ito e. Natawag na sa ‘kin ito. Natanggap ko na ito. Nakausap ko na ang Dreamscape. E naka-oo ako. Kaya mas nauna ito kaysa dun sa nag-decide ako na magpapahinga ako.”
“Tinapos ko lang ito. After nito, sabi ko nga kay Ria, (Atayde) ‘Ria, ikaw na dyan.’ Pahinga na muna ako the whole year. Next year naman na ako,” dagdag ng award winning actress na naging busy din sa katatapos na kampanya ng anak niyang si Arjo Atayde na limang oras pumila sa Angelicum gym para lang makaboto. Kumandidato sa pagka-congressman si Arjo at siys ang nangungunang kongresista sa distritong nasasakupan.
Samantala, tinext namin si Ibyang sa pagkapanalo ni Arjo bilang kongresista ng Unang Distrito ng Kyusi.
Kinongratulate namin ang actor thru her at sabi namin na magandang regalo yun ni Arjo sa kanya dahil Mother’s Day.
“YES BETH, I AM VERY VERY HAPPY dahil hindi nabigo ang anak ko,” masayang sagot ni Ibyang sa aming text.
At on behalf sa anak na si Arjo, tutuparin daw ni Arjo ang mga ipinangako sa kanyang constituents.
At kung lilihis ng landas ang aktor-pulitiko, siya raw mismo ang kakastigo.sa.anak. Anyway, congrats Cong. Arjo!!