Advertisers

Advertisers

Ellen nahirapang huminga kaya ipinatanggal na ang implanted boobs

0 81

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MANINIBAGO nga marahil ang mga makakakita ngayon kay Ellen Adarna na hindi na masyadong alsado ang dibdib.
Isa kasi sa mga asset ni Ellen ay ang kanyang bumper. At lingid sa kaalaman ng marami ay natural ito or gifted.
Nagpadagdag pala ito ng kanyang dibdib kaya naman kita na lalo ang kaseksihan ni Ellen.
Pero sa pagtagal ng panahon ay tila medyo naiirita na ito sa kanyang dibdib.
Yes, ipinatanggal na nga ni Ellen ang implant sa kanyang boobs. Nahihirapan na raw kasi ito huminga at nang ipatanggal ay laking ginhawa na kay Ellen.
At patotoo pa nito ay maganda at maluwag na ang kanyang paghinga mula nang ipatanggal ang idinagdag sa kanyang boobs.
Lesser na din naman o baka di na gumawa pa ng mga sexy project dahil sa pagkakaroon na nito ng anak na si Elias.
Hindi naman nabawasan ang pagmamahal ni Derek Ramsay sa misis kahit nagpatapyas pa ito ng dibdib.
***
Jake Ejercito walang pinagsisisihan sa sinuportahang kandidato
UMANI ng maraming likes at comments ang post ni Jake Ejercito sa kanyang socmed.
Kahit hindi nga pinalad sa katatapos lang na halalan ang kandidatong sinuportahan nito, nananatili pa rin itong nanindigan.
Natalo man daw sila sa numero ng resulta ay panalo naman sila sa paninindigan.
Sa nakaraang eleksyon ayon kay Jake baka di pa handa ang lahat para iposisyon ang sinusuportahang kandidato.
Malaki naman ang natutuhan ni Jake sa nakaraang halalan. At di nga raw pagkatalo ‘yun bagkus nagsisimula pa lang mamulat at matuto ang lahat ng tagasuporta.
Open book naman na ang tandem nina VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan ang sinuportahan ni Jake.
Well, well, well…’Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More