Advertisers

Advertisers

Aljur super happy sa ‘swerte’ ng ex-biyenan na si Binoe

0 102

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KUNG super proud si Kylie Padilla sa amang kasalukuyang nangunguna sa unofficial count for senatorial race this election, na si Robin Padilla, ay super happy naman ang estranged hubby niya na si Aljur Abrenica sa suwerteng nakakamtan ngayon ng biyenan na si Binoe.
Hindi man siya naging masyadong vocal sa kandidatura ng biyenang lalake, eh silent supporter naman Si Aljur. Kung matatandaan, si Robin ang kauna-unahang nagpayo sa kanyang anak at mister na si Aljur noong nagiging komplikado na ang pagsasama ng mag-asawa kaya hanggang sa paghihiwalay nina Aljur at Kylie, andun pa rin ng pagmamahal bilang isang ama kay Aljur sa biyenan.
Kaya nang matanong si Aljur kung ano sa palagay niya ang nagustuhan ng mga botante sa kanyang biyenan at naging number one pa ito.
“Kasi si Papa, ang dami niyang natulungan. Alam natin ‘yan, di ba, dito sa ating industriya. Yung mga stuntman, tinulungan niya. Doon ako humahanga sa kanya, e. He has the ability, kumbaga, kung kailangang ilagay ang isang tao sa isang posisyon ng pagiging lider, siya talaga,” say ni Aljur.
At isa pa ring positibong bagay na magagawa ni Robin sa Senado ay ang makatulong sa matamlay na showbiz industry sa ngayon na dulot ng pandemya, ang saad pa rin ni Aljur.
“He understands the situation. So, actually plus yun para sa atin sa industriya, na nakaposisyon siya. Kasi, he knows, e. Alam niya kung ano ang dapat ayusin sa industriya. How to make it better. He’ll be striving to make our industry better,” say pa rin ni Aljur.
***
HAPPY si Cindy Miranda sa tinatakbo ng kanyang kauna-unahang serye sa Vivamax App na “Iskandalo” kasama si AJ Raval at marami pang iba dahil sa patuloy na pagtaas ng viewership nito na nagsimulang mag-streaming ilang linggo na ang nakakaraan at patuloy pa rin hanggang ika-sampung linggo simula ng mag-umpisa itong magstream last April 10.
At dahil sa may kinalaman sa nag-leak na sex scandal ang tema ng kanilang serye, game pa rin kaya si Cindy na kunan ng sex video ang kanyang pakikipag-lovemaking sa magiging partner o karelasyon? Ayon sa sexy nymphet ay open naman daw ang isip niya dito lalo pa’t kung magka-relasyon naman daw ang gumagawa noon.
“Agree po ako dahil couple naman sila, dahil exclusive naman sila sa isa’t isa. Yes, why not, ’di ba? Ite-tape mo lang naman ’yong sarili mo so wala pong problema. Sometimes it’s fun to do something different, to make the relationship, you know. Sometimes, ’di ba, kapag repetitive ang ginagawa ng couple nagkakasawaan so maybe that’s why they’re doing that, ng ibang couples,” say ni Cindy.
Bagama’t okey lang kay Cindy na i-video habang nagla-love making sila ng karelasyon, doble ingat din ang payo niya hinggil sa sex video.
“Pero sana alagaan nila ang mga cellphones nila. Kasi s’yempre, baka mawala ’yan, mapanood ng iba,” babala pa ni Cindy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More