Advertisers

Advertisers

Konsehal sa Agusan lumamang lang ng 1 boto sa kalaban

0 84

Advertisers

Isang boto lang ang lamang ng kandidato sa pagkakonsehal para maging councilor-elect sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur.

Nakuha ni Vanjune Napao ang ika-walong pwesto nang makakuha ng 12,333 votes nitong Halalan 2022, habang ang karibal nitong si Carlito Tandog naman ay nakakuha ng 12,332 votes.

Kabilang si Napao sa Team Gugma ng nasabing bayan na pinangunahan ni mayor-elect Grace Carmel Paredes-Bravo at dating councilor na ngayo’y vice mayor Elect Arth Ryan Palabrica.



Tinalo ni Bravo at Palabrica ang re-electionist na sina incumbent Mayor Solomon Rufila at Vice Mayor Bernardino Ursos.

Sa Facebook post ni Napao, nagpasalamat siya sa Panginoon at sa mga residente ng San Francisco na nagtiwala at sumuporta sa kaniyang pagtakbo.

Martes ng hapon nang maiproklama ang mga bagong halal na kandidato sa nasabing bayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More