Advertisers

Advertisers

HIRIT SA SUPREME COURT; COVID POLICY IPAWALANG BISA!

0 1,530

Advertisers

NANAWAGAN na ang iba’t ibang CIVIC ORGANIZATIONS sa SUPREME COURT na ipawalang bisa ang mga ipinaiiral na COVID POLICIES lalo na ang resolusyon ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) na MANDATORY VACCINES dahil ito ay UNCONSTITUTIONAL at VIOLATIVE sa umiiral na PHILIPPINE at INTERNATIONAL LAW.

Nitong nakaraang May 12, ang alyansa mula sa iba’t ibang CIVIC GROUPS na kinabibilangan ng COVID CALL TO HUMANITY (CCH); CONCERNED DOCTORS AND CITIZENS OF THE PHILIPPINES (CDCPhil); LEGAL LIGHTWORKERS FOR LIFE AND LIBERTY (L4); at JUAN DAKILA (JD) MOVEMENT ay naghain ng PETITION FOR CERTIORARI, PROHIBITION, and MANDAMUS with the urgent application for WRIT OF PRELIMINARY INJUNCTION and/or TEMPORARY RESTRAINING ORDER sa SUPRENE COURT na ang LEAD COUNSEL para sa 11-person legal team ay si ATTY. PACIFICO AGABIN na dating UP COLLEGE OF LAW DEAN at isa siya sa kinikilalang COUNTRY’s LEADING EXPERTS sa larangan ng CONSTITUTIONAL.LAW at sa BILL OF RIGHTS.., na, kabahagi rin ng legal team work si ATTY. TANYA LAT.

Ang grupo ay binubuo ng 15 PETITIONERS na kinabibilangan ng mga COVID-19 VACCINE-INJURED EMPLOYEE, DOCTORS, SCIENTISTS, LAWYER, RELIGIOUS LEADERS, GOVERNMENT AND PRIVATE SECTOR EMPLOYEES at PUBLIC SCHOOL TEACHERS.



Sa 157-page petition, ang mga petitioner ay naghahangad na maideklarang NULL AND VOID dahil UNCONSTITUTIONAL ang may 17 RESOLUTIONS, ORDINANCES, at MEMORANDUMS.., na isa sa mga ito ay ang RESOLUTION NO 148-B na nagre-require sa mga ONSITE WORKERS na magpabakuna. Bagama’t hindi matatanggal sa trabaho, ang mga hindi bakunado ay required na magpa-RT-PCR TESTS at sagot ng empleyado ang bayarin.

“I believe that the government has crossed the red line and has committed infractions on human rights on the part of a good number of Filipinos,” pagpupunto ni ATTY. AGABIN.

Ang mga RESPONDENT sa inihaing kaso ay kinabibilangan ng IATF FOR THE MANAGEMENT OF EMERGING INFECTIOUS DISEASES; HEALTH SECRETARY FRANCISCO DOQUE III; EXECUTIVE SECRETARY SALVADOR MEDIALDEA; DILG SECRETARY EDUARDO AÑO; DOTr SECRETARY ARTHUR TUGADE; EDUCATION SECRETARY LEONOR BRIONES, at ang MAKATI CITY sa representasyon ni MAYOR MAR-LEN ABIGAIL BINAY.., teka, bakit hindi isinama sa RESPONDENT si PRESIDENT RODRIGO DUTERTE e ito ang signatory sa mga ipinairal na COVID POLICIES?

Mga ka-ARYA.., bago pa man ang bakunahan ay puspusan na ang ginawang MIND CONDITIONING o paglelektyur ng mga HEALTH EXPERT.., na ikinintal sa isip sa lahat ng mamamayan na ang COVID-19 ay peligro sa kalusugan at ito ay nakamamatay. Ang tanging solusyon umano ay ang pagpapaturok ng COVID VACCINE para may proteksiyon laban sa COVID-19.

Ang mga nalikhang COVID VACCINES ay binigyan ng permiso ng FOOD AND DRUGS ADMINISTRATION (FDA) bilang EMERGENCY USE AUTHORITY (EUA), na ipinangalandakan ng ating HEALTH OFFICIALS na aprubado na raw ang mga COVID VAX na ginagamit gayong panloloko ang ikinampanya ng gobyerno.., dahil ang mga COVID VAX na ginagamit ay wala pa ni isa sa mga ito ang nabibigyan ng CERTIFICATION ng FDA na PROVEN SAFE AND EFFECTIVE.., kasi nga po, ang paggamit sa mga nalikhang COVID VAX ay nasa stage pa lamang ng EXPERIMENTATION.., hanggang ngayon ay inieksperimento pa rin ang mga pambakuna kaya wala pang naidedeklarang CERTIFIED sa mga COVID VAX PRODUCT.

“CLINICAL TRIALS” pa lamang ang ginagawang pagbabakuna sa ngayon para makita ng mga HEALTH EXPERT kung ano-ano sa mga COVID VAX PRODUCTS ang mabisa at ligtas na gamitin para sa tao..,, pero, pinuwersa o pinilit naman ng mga GOVERNMENT OFFICIAL ang tao na magpabakuna at ang ayaw magpabakuna ay tinanggalan ng pribelehiyo tulad sa pagpasok sa mga mall, hindi makapag-enrol ang estudyante kapag hindi bakunado, hindi maaaring makapasok sa pinagtatrabahuan at hindi makasasakay sa mga pampublikong sasakyan kapag walang VAX CARD.



Ang siste pa, maging sa SOCIAL.MEDIA ay nagkaroon ng CENSORSHIP, na ang mga ipinopost na nagsisidanas ng ADVERSE EFFECT mula sa pagpapabakuna ay binubura at ang tanging makikitang post ay ang POSITIVE EFFECT lamang ng bakuna.

Ang mga eksperto kuno ay nalilok sa kanilang isipan na ang mga COVID VAX ang tanging solusyon upang di mamiligro ang kalusugan sa mga VIRUS na dala ng COVID-19.., kaya naman nanguna sa nagpabakuna ang mga DOCTOR at HEALTH WORKERS.., pero pagkalipas ng ilang buwan ay marami sa mga nagpabakuna ang nangamatay at ang kanilang ikinamatay ay sa sakit na COVID-19.., nasaan ngayon ang kampanya ng gobyerno na MAGPABAKUNA PARA PROTEKTADO LABAN SA COVID-19 e sa COVID-19 din namatay ang mga nagpabakuna?

EXPERIMENTATION STAGE ang mga ginagamit na pambakuna.., kaya nga, nagbabago ang findings ng mga HEALTH EXPERT, na noong una ay kailangan lamang magpabakuna ng 2 beses at protektado na ang kalusugan.., pero paglipas ng ilang buwan kailangan daw magpabakuna uli kasi yung 2 beses na bakuna ay humina na raw ang epekto kaya kailangang magpabakuna na naman.., presto paglipas ng ilang buwan e hindi na naman sapat at kailangang magpa-booster ang lahat ng mga nabakunahan.., ah kasuwerte ng mga VAX MANUFACTURER dahil libre nilang napag-eeksperimentuhan ang mga tao na may mga mamatay man ay hindi maaaring maidemanda ang mga ito.., o sadyang MINANIPOLYO ng mga VAX MANUFACTURER katuwang ang lahat ng mga COUNTRY OFFICIALS sa buong mundo para sa kanilang pagkakakuwartahan? Gayong may mga ALTERNATIVE MEDICINE naman ma pangontra sa COVID-19 pero hinahadlangan o ayaw ipagamit ng gobyerno…, KASI, HINDI MAKAKAKOMISYON NG MULTI-MILYONES NA SALAPI ANG MGA VAX INITIATOR!!!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More