Advertisers

Advertisers

POST-MORTEM

0 380

Advertisers

MASAKIT sa kalooban ang matalo sa anumang bagay – pulitika, sports, kahit ano. Kamakailan, nakaranas ng pagkatalo ang Ateneo makaraan ang tatlong taon na kampeon sa UAAP. Ito ay pagbubunyi ng koponang nanalo, dahil tinatamasa ng Unibersidad ng Pilipinas ang tagumpay at korona pagkatapos ng tatlumput-walong taon na paghihintay.Ganun din kapag eleksyon. Masidhi mong hinihimas ang manok mo pero bandang huli ang kinahinatnan ay pagkatalo. Habang luhaan mong hinihigop ang sabaw ng tinola mong tinare, Basahin ang magandang mensahe mula Luna Miranda. Masidhi siyang kumampanya para kay Leni Robredo, pero matapos ang luha at pighati, maganda ang sinabi niya. Hindi ko na ito hinalaw sa Pilipino dahil ayokong matabangan ang mensahe: “Am I hurt because Leni lost? I am actually partly relieved. She will get to live a normal life with her beautiful and accomplished children away from dirty politics. Do I worry for myself? No. I am capable and have proven myself resilient over and over again. My family can survive another six years of shi**y government. Who do I feel for? I mourn for that family who barely makes enough to feed its members every day. I hurt for that jobless youth who couldn’t get a decent job despite his/her credentials. I feel bad for every Filipino who toils with a clean conscience only to be taken advantage of over and over again. What you failed to understand was this was never a war among colors or families or political parties. This was a war against a system that continues to oppress, fool and trample ordinary Filipinos. Filipinos who are constantly gaslighted into believing the government does not owe us anything. Filipinos who work hard and pay their taxes only to be pocketed by corrupt officials. Filipinos who bear the weight of the government’s incompetence yet continued to be fooled into voting for the wrong people over and over again. Now, as you continue to mock those who went out of their way for the love of their countrymen while you just type away on your device while being fed fake news, I hope I don’t get to tell you, “I told you so” anytime for the next six years.

Leni did not lose. We did… ”

Opo, nararapat na tanggapin ang resulta. Pero hindi maiiwasan ng marami ang magtanong: “Naging tinola ba ang ganador namin dahil nabili ng pato ang sabungan?… ”



Sa totoo lang, dahil sa halalan na ito, mas maraming tanong kesa sagot. Kaya tuloy hindi masisisi ang ilan sa kababayan natin na hinihingi ang pagbabalik sa manual counting ng halalan.

Ito lang ang masasabi ko. Automated na ang halalan kaya hindi na maaari ang manual count. Ngunit maaari pa rin, kung bibilangin ang resibo ng balota, o election receipt. Ito ang papel na tulad ng resibong iniluluwa sa cashier ng isang grocery. Lumabas at pareho ang QR code nito sa balota. Lumalabas ito pagsubo ng VCM sa balota pagkatapos bumoto. Opo, mabusisi at matagal, pero pwede ito bilangin ng mano-mano.

Ito ang siste ng pagbibilang ng election watchers kabilang ang kumakatawan sa kandidato at PPCRV. Ginagawa ng nagmamanman ay ginagamit ang resibo pang cross-check ng election returns kung tugma ito sa VCM at SD card nito. At dahil iisa ang QR code nito at ng balota, sa teorya hindi madadaya ito dahil kapag binasa ng VCM ang balota, dapat tugma sa resibo dahil iisa ang QR code. Dito pwedeng manalo ang pato. Maaaring dayain ang datos na nakalagay sa SD card ng bawat vcm. Dahil hindi ito nakikita, pwede naka program na ito bago mag halalan at lalabas ito sa final printout ng datos. Yun ang binibilang sa pagtapos ng botohan. Tingin ko dito magkaka salamangka.

Si Jorge Villaroman ay isang beteranong computer programmer na namamalagi sa Australia. Siya ay nakababatang kapatid ng ama ko at ito ang ang sapantaha niya: “I am not surprised this thing can happen. I am an experienced computer programmer myself and these officers must look at and examine the logic of the program behind the vote counter. There is always program code and logic. That is the one they should read and interpret. I really hope someone technically minded can decipher the program logic and interpret how the machine counts the votes. I really do hope that the truth is revealed. God bless the Philippines…”

Samakuwid, ang lahat ng datos ay pwedeng palabasin, kung naka program ang computer para gawin ito. Samakatuwid hindi imposible na manalo ang pato samakatuwid pwedeng hindi ito “pre-destined kundi “pre-programmed”.

Maraming pagdududa, maraming kuda. At sa huli, ng halalan na ito ay nagbigay ng mas maraming tanong kaysa sa sagot.



Tanging ang mga susunod na araw ang magbibigay ng liwanag sa lahat ng ito; dahil sa pagsiwalat ng katotohanan, doon lang natin makakamit ang kalayaan. Huwag lang magkadayaan, sa huli, sa isang halalan, dalawa lang ang kahihinatnan. Manalo o matalo.

Pero may magandang nangyari kahit tinalo ng pato ang manok natin. Ang Angat Buhay na programa ni VP Leni ay isang ganap na NGO na. Kaya, kahit wala na siya sa poder, mananatili, at tuloy-tuloy ang pagbibigay-tulong nito sa lahat ng nasa laylayan ng lipunan.

Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.

***

Mga Nenok Sa Sapot:”Ayoko na makipag-away, sumigaw at mag-akusa. Alam niyo kung ano ang tama at ano ang mali; sino ang mabuti, sino ang bastos. Ipanalangin na lang natin na ang katotohanan, ang matapat at kabutihan ay manalig mula ngayon. Pero… HINDI NASAYANG ANG BOTO KO… Tapat, tunay at walang bayad…” – Celina Cristobal

“Mapapagod, pero hindi susuko. Magagalit, pero hindi mauubos ang pagmamahal sa Bayan. Mangangamba at mag-aalala, pero hindi maduduwag na ipaglaban ang tama at makatarungan. I will continue to fight and fight more for Truth, Justice and Freedom…” – Leila de Lima

“We just stand up for what is right. We can never be wrong. I trust in Divine Justice. It may not come at our desired time. The enemy is a criminal syndicate. They kill and eliminate each other…” –Prof. Bayani Santos Jr.

“If you’re going through hell, keep going…” – Winston Churchill

***

[email protected]