Advertisers

Advertisers

BARKO NASUNOG SA QUEZON: 7 PATAY, 4 MISSING

0 585

Advertisers

Real, Quezon – Pito katao ang nasawi, 23 ang sugatan at 4 ang nawawala sa pagkasunog ng isang pampasaherong barko (fast craft) Lunes ng umaga sa katubigang sakop ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Calabarzon, bumiyahe mula sa Polilio Island ang fast craft na MV Mercraft 2 na meron lulang 124 pasahero at 10 crews nang magliyab ang bahagi ng engine room ng barko na mabilis kumalat sa kabuoan nito, at nagdeklara ng ‘fire on board’ ang kapitan ng barko.

Dahil sa takot, nag-panic ang mga pasahero at kanya kanyang kuha ng life jacket bago naglundagan sa dagat habang nasusunog ang kanilang sinasakyan.



Mabilis naman tumulong ang ilang crew ng iba pang RoRo vessels na nakakita sa insidente, at ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard na sumagip sa mga naglulutangan sa tubig na mga pasahero.

Nailigtas ang nasa 120 pasahero, habang pito ang narekober na mga bangkay na kinabibilangan ng limang babae at dalawang lalake na inaalam pa ang mga pangalan, at 23 ang nasaktan (3 dito ang kritikal na kasalukuyang nagpapagaling na sa pinagdalhang pinakamalapit na ospital) at 4 pang pasahero ang pinaghahanap sa nagpapatuloy na search and rescue operation ng mga otoridad.



Dinala na sa Baluti Island ng Barangay Cawayan dito ang bahagi ng MV Mercraft 2.

Inaalam pa ng PCG ang naging dahilan ng sunog sa makina ng barko at kung may mga nilabag na regulasyon sa manipesto ang mga opisyal ng fast craft.(Jose Koi Laura/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">