Advertisers

Advertisers

PH SEAG finish sa Vietnam , walang dapat ikahiya-Ramirez

0 279

Advertisers

WALANG dapat ikahiya ang Team Philippines sa resulta ng overall performance nito sa nakaraang 31st Vietnam Southeast Asian Games ayon kay Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch Ramirez.

Ito’ y sa kabila ng matinding hamon at balakid sa preparasyon ng ating mga pambatong atleta bunga ng pandemic.

“Our performance in bringing home 52 gold, 70 silver, and 104 bronze medals in placing fourth overall in the medal standings was a good finish despite the various challenges our national athletes had to face amid the COVID-19 pandemic before competing in Vietnam,” pahayag ni Ramirez .“It would have been a very good finish had we converted 50 percent of our silvers (to gold) and bronzes (to silver),” saad ng PSC chief, na matamang nakasibaybau sa pakikibaka na ating pambansang atleta sa biennial meet sa kabisera at karatig lalawigan sa Vietnam



Ipagmalaki at saludo para sa ating mga atleta.

NAWALA na nga ang ating basketball grip sa Asian level dahil bukod sa mahirap nang talunin ang Korea at China. lumakas pa nang husto ang mga Middle East cagers at ang pagkadagdag pa ng Australia at New Zealand sa kontinente.



Pati ba naman sa mas mababang lebel na SEAGames ay nasilat pa tayo ng umaasensong Indonesia at muntik pa samapanganib na Thailand?

Mayabang kasi ang mga afficionados natin sa basketball na masyadong iniismol ang SEAG kaya hindi pinadadala ang ating da best selection habang ang Indons at Thais ay nagpalakas nang husto sa kanilang naturalized players at kinuha pa ng Indonesia ang dating Gilas coach na si Toroman. Hayun.. huli ang laro ng Pinoy. Nasilat tayo sa gold medal sa unang pagkakataon matapos maghari ng mahabang panahon.



Caught flatfooted si Gilas coach Chor Reyes sa kabiguang di dapat mangyari kung pinadala sa giyera ang pinakamalalakas na kawal pandigma.

Sino ang malas sa Gilas Pilipinas?.. Your guess is as good as mine!