Advertisers

Advertisers

Kahit maka-Leni…Angel suportado ang administrasyong BBM alang-alang sa bansa; Claudine at ermat sabay naospital

0 195

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAPROKLAMA na bilang bagong Presidente at Bise.Presidente ng bansa sina Ferdinand Marcos Jr. at Sarah Duterte nu’ng Miyerkules, May 26.
Si Angel Locsin na very vocal ang pagsuporta kay Bise Presidente Leni Robredo ay magaan sa loob na tinanggap ang pagkatalo ng sinusuportahang Presidente na si VP Leni.
Sinabi niyang susuportahan niya sina BBM at Inday Sara alang-alang sa bansa.
“For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators. I’m hoping they’ll do better than our past leaders,” aniya nang lumalaki na ang agwat ng bilangan.
“I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo,” dagdag pa niya.
Ngayong uupo na ang bagong administrasyon, hindi nagbabago sa binitawang salita ang aktres.
Alam niyang maganda ang isusulong ng bagong administrasyon at kaisa siya sa mga ito.
***
OGIE DIAZ DEDMA SA ISYUNG LIZA AT JAMES
MUKHANG tuluy-tuloy na ang pangarap ni Liza Soberano na ma-invade ang Hollywood showbiz.
Ayon sa kanyang talent manager na si Ogie Diaz, though may career pa rin daw dito sa Pinas, gusto pa rin daw i-pursue ng aktres ang pangarap na maging isang international actress.
“Ang alam ko talaga ‘yun nga, iba na ang career na tatahakin ni Liza. May career pa rin siya rito pero gusto niyang magkaroon din ng opportunity sa Hollywood,” pahayag ng talent manager ni Liza.
“Ang importante ngayon kay Liza ay ang kanyang inner happiness at ‘yan naman ay nakikita ko sa kanya na happy siya inside, ‘yun ang importante,” dagdag pa ni Mama Ogs.
Hinggil naman sa isyung nagkakamabutihan umano ang kanyang alaga at si James Reid, ipinagkibit balikat lang ito ng beteranong manunulat cum vlogger.
Magkasama kasi sina Liza at James na um-attend sa first annual Gold Gala sa Los Angeles.
“Ako naniniwala na sila pa rin.(Enrique Gil) . Nagkataon lang na may family affair si Quen sa Spain at ‘yung kanyang tour doon sila ay mayroon din,” paliwanag ni Ogie
“Basta ako naniniwala friends si Liza at si James Reid,” diin nito.
***
TONI AT DIREK PAUL PRESENT SA PROKLAMASYON NINA BBM AT INDAY SARA
UM-ATTEND ang mag-asawang Paul Soriano atToni Gonzaga sa proklamasyon nina BBM at Inday Sara bilang newly elected President at Vice President, last Thursday, May 26 na ginanap sa Batasan.
Syempre pa may mga puna na naman ang mga hindi makapag-move on na Kakampinks.
May nakapuna sa kalusugan ng TV host.
“Bakit sobrang payat ni Toni lalo? Ngiting tagumpay. Ano kaya magiging role nila kaexcite. Charizzz”
“Yes naman first lady yern”
“AHAHAHA momsh feel na feel ni Miss Taytay!”
Ang lagi namang pinupuna kay direk Paul ay, “Yan ang magiging director ng mga SONA.”
May paghanga naman sa TV host-actress-singer ang commenter na ito.
“Malaki ang naging papel ni Toni Gonzaga sa campaign ni BBM. Kudos to you, Toni. A powerful woman with grace.”
Hanga rin sila sa simpleng kasuotan nito.
“Toni looks so classy!”
“Pareho kaya talaga sila ng belief or naging same lang dahil mag-asawa sila?”
“as a christian you have to honor your husband”
“and the husband should also honour the wife. We’re in 2022 yet your mindset is still stuck in the past”
“Ngiting wagi si Toni G:)”
“What’s next kaya for toni, she’s still an employee of abs cbn, she didn’t resign pa wala pa namang announcement.”
***
PAREHONG naka-confine sa St. Luke’s Hospital ang mag-inang Claudine Barretto at ang ina niyang si Mommy Inday.
May uploaded photo ang aktor na si JJ Barretto ng photo nila nina Mommy Inday at Clau na nasa loob sila ng hospital room.
Aniya:”Mom and clau confined.”
Maging ang aktres ay nagpost din, saying to her mom to get well soon.
Pinasalamatan din ng aktres ang mga doktor dahil sa maagap na pag-assist sa kanyang ina.
Wala namang dinetalye si Claudine kung ano ang sakit niya at ng kanyang ina.
Samantala, si Claudine ay tumakbong konsehala sa Olongapo pero hindi pinalad na manalo.