Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING panauhin ang millennial BL couple na sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa vlog ni Ogie Diaz.
Ayon kay Elijah, matagal din daw siyang naghintay ng tamang break para makilala sa showbiz.
Dumating nga siya sa puntong sobra siyang na-depressed sa takbo ng kanyang karera kaya muntik na siyang mag-quit sa showbiz.
Nagkaroon pa nga raw siya ng mental health issues kaya na-confine siya sa hospital dahil sa suicidal tendencies.
Blessing in disguise raw para sa kanya ang BL series na Gameboys na para sa kanya ay career-changing opportunity.
Dumating daw ito sa panahon ng pandemya na hindi niya akalaing sisipa ang kanyang kasikatan.
Ang EliKoy kasi ang nagpasimula ng BL trend sa Pilipinas via Gameboys noong lockdown na matagumpay namang tinanggap ng masa.
Ngayon, level up na ito dahil bukod sa series ay nagkaroon pa ito ng sequel at pelikula.
Sa naturang vlog din, inamin din ni Elijah na never na na-develop sila ni Kokoy sa isa’t isa dahil alam nila ang kanilang sexual preferences.
Umamin din si Elijah na girlfriend na niya ang Eat Bulaga host na si Miles Ocampo.
Ang tambalang EliKoy ay nagbabalik sa season 2 ng Gameboys na mapapanood na sa Vivamax Plus.