Advertisers

Advertisers

Bilang DSWD Secretary…TULFO: BIGYAN NYO AKO NG 6 MONTHS TO 1 YEAR

0 380

Advertisers

NANGAKO si Erwin Tulfo na bababa siya sa pwesto bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung hindi niya magagampanan ng maayos ang kanyang mandato.

“Ang promise ko lang ay bigyan lamang ako ng 6 months to 1 year, kapag hindi ako nakapag-deliver, ibig-sabihin hindi ko nagampanan itong tungkulin bilang isang DSWD Secretary then ako na ang kusang bababa. I-remind lang ako ng taumbayan, nangako ka noong May 31, 2022. May 31, 2023 kapag hindi ako naka-deliver then I will step down, I promise you that kapag hindi ako makapag-deliver,” pahayag ni Tulfo sa panayam ng Sonshine Radio bilang incoming Secretary ng DSWD.

Isa sa gagawin naman ni Tulfo bilang secretary ay ang mas mabilis na aksyon ng departamento at ang posibleng pagtatayo ng quick reactionary team.



Ayon kay Tulfo, ito na ang agad-agad na reresponde sakaling may sakuna gaya ng baha, bagyo at iba pa.

Naniniwala si Tulfo na marami nang nagawa ang DSWD sa ilalim ng administrasyong Duterte at target niyang pag-ibayuhin at doblehin pa ito para sa ikagaganda ng bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">