Advertisers
BIGONG makalusot sa Commission on Appointments ang limang mga ‘last-minute’ appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagtapos kahapon ng umaga ang pagdinig ng CA Committee on Constitutional Commission kung saan technically ay ‘bypassed’ na ang appointments ng mga ito.
Kabilang sa mga hindi pinalusot ng CA ay sina Commission on Audit (CoA) chairperson Rizalina Noval Justol, Civil Service Commission (CSC) chairperson Karlo Alexei Nograles, Commission on Elections Chairperson Saidamen Pangarungan, Comelec Commissioner Aimee Neri at Comelec Commissioner George Garcia.
Nangangahulugan itong nasa kamay na ni President-elect Bongbong Marcos ang magiging kapalaran ng mga appointees pagpasok ng bago nitong administrasyon. (Mylene Alfonso)