Advertisers

Advertisers

Bong Go: Senado, oks na sa pension increase ng senior citizen

0 606

Advertisers

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kasama sa Senado sa pagsuporta at pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa Senate Bill No. 2506 na naglalayong taasan ang social pension ng mahihirap na senior citizens.

Si Senator Go ay isa sa co-authors ng panukala.

Kung maipapasa ang batas, itataas ng SBN 2506 ang buwanang pension allowance ng senior citizens mula P500 hanggang P1,000.



Ang nasabing pagtaas ay naglalayong masuportahan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan o medikal na pangangailangan.

“Isa sa mga malubhang tinamaan ng pandemya ay ang ating senior citizens. Alam naman natin na sila ay isa sa high risk sa COVID-19 at sa iba pa pong sakit. Kaya itong pagtaas ng kanilang pensyon ay kahit na anumang halaga, sigurado akong malaking tulong na sa kanila,” idiniin ni Go.



“Nasa kultura na rin po ng Pilipino na alagaan natin ang mga nakakatanda, kaya naman nakatutuwa po na binigyan ng importansya ng Senado ang pagbibigay ng dagdag na pensyon sa ating senior citizens,” idinagdag niya.

Aamyendahan ng SBN 2506 ang Republic Act No. 7432.



Sa ilalim ng iminungkahing batas, ang buwanang stipend ay ibibigay sa mga kuwalipikadong benepisyaryo sa anyo ng cash, direct remittance, electronic transfer o iba pang paraan ng paghahatid, alinman ang mas maginhawa sa benepisyaryo.

Higit dito, ang mga bayarin sa transaksyon o serbisyo sa paglalabas ng allowance sa mga target na benepisyaryo ay mawawala na.

Alinsunod sa pag-apruba ng Department of Budget and Management, at Department of Social Welfare and Development, iniaatas din na i-assess at kung kinakailangan, dagdagan ang halaga ng social pension kada dalawang taon matapos itong maging batas.

Ang pagpapatupad, pamamahagi, at pamamahala ng social pension ay ililipat mula sa DSWD sa National Commission on Senior Citizens.

“Palagi po nating unahin ang kapakanan ng mga mahihirap lalo na ang mga nakatatanda. Kilala naman po si Pangulong Rodrigo Duterte bilang malapit sa senior citizens, kaya alam po natin kung gaano kahalaga na mabigyan sila ng suporta at atensyon,” nilinaw ni Go.