Advertisers
Patay ang dalawang katao habang isa ang patuloy na pinaghahanap nang gumuho ang isang bahagi ng isang establisyimento sa Meycauayan, Bulacan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Central Luzon, isa ang natagpuang buhay sa naturang insidente na naganap sa Silver Street, Muralla Industrial Park, sa Barangay Libtong.
Sa inisyal na imbestigasyon, overloading ang naging sanhi ng pagguho.
Rumisponde ang High Angle/Collapased Stucture search and rescue reponders katuwang ang iba pang rescue team sa gitnang Luzon, na-rescue ang mga empleyado na sina Roel Preston, 38, ng Bignay Valenzuela City; Annalyn Baldon, 35, ng Novaliches subali’t dead on arrival na ito sa pagamutan.
Habang si James Franklin Marcelo, 19, ang huling na retrieved nitong 7:52 ng umaga Hunyo 1 2022 ng mga rescuers.
Nilalapatan ng lunas sa Meycauayan Doctors Hospital si Marjorie Naling, 28, ng Bagumbong North Caloocan City.
Kaugnay nito’y nag-sasagawa na nang malalimang imbestigasyon ang Incident Management Team sa naturang pangyayari, kung saan hawak na rin nila ang memory card ng CCTV ng kumpanya.(Thony D. Arcenal)