Advertisers

Advertisers

Pulis huli sa drug ops sa NBP kumukuha ng itinutulak

0 276

Advertisers

ILOILO CITY – Inamin ng pulis na nahuli sa drug buy bust operation sa Brgy. North Fundidor Molo, Iloilo City na sa New Bilibid Prison nanggaling ang illegal na droga at binebenta sa Iloilo City.

Kinilala ang naarestado na Police Staff Sergeant Igmedio Cristobal, Jr., 40, residente ng Brgy. Jereos, Lapaz, at nakatalaga sa Regional Election Monitoring and Action Center sa Police Regional Office (PRO) VI.

Nakuha sa possession ni Cristobal ang mahigit P374,000 na halaga ng iligal nga droga.



Ayon kay Police Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng PRO 6, na kailangan pa nilang i-validate ang ibinunyag ni Cristobal.

Anya, aalamin rin nila ang kaugnayan ni Cristobal sa iba pang mga nahuling durugista sa rehiyon na nagbunyag rin na sa New Bilibid Prison nila kinukuha ang suplay ng illegal na droga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">