Advertisers

Advertisers

LTFRB nagbabala vs mga TNVS na sobra maningil ng pamasahe

0 210

Advertisers

BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver at operator ng Transport network Companies (TNCs) na labis ang paniningil ng pamasahe sa mga pasahero.

Ayon sa LTFRB, nakapagpadala na ito ng liham sa TNC hinggil sa complaints na ilang driver ang nagde-demand ng pamasahe na lagpas sa inaprubahan ng ahensiya para sa Transport Network Vehicles (TNVs).

Batay sa idinulog na anonymous complaint sa LTFRB, napag-alaman na umaabot sa P1,000 ang hinihinging pasahe ng TNC para sa one-way ride na tinatawag na “priority Boarding Fee”.



Kaugnay nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang LTFRB sa naturang complaint.

Base kasi sa fare structure, dapat na nasa P40 ang flagdown rate para sa sedan-type na may P15 fare kada kilometro at P2 kada minuto travel fare.



Para naman sa premium na AUV/SUV, nasa P50 ang flagdown rate na may P18 per kilometer fare at P2 per minute travel habang ang Hatchback o Sub-compact type na TNVs ay may P30 flagdown rate na may P13 per kilometer fare rate at P2 per minute travel fare.

Nagbabala sa maaaring consequences gaya ng fines at penalties ang LTFRB kapag mahuli ang mga TNVs na magpapatong ng malaking singil sa pamasahe.



Target ng LTFRB na magpakalat ng mystery riders sa susunod na mga araw para masuri kung sumusunod ang mga operators at drivers ng TNCs at TNVs sa itinakdang fare structure.

Hinimok naman ng LTFRB ang publiko na gumagamit ng TNVs na ireport ang anumang iregularidad sa pamamagitan ng kanilang hotline number na 1342 o FB page.