Advertisers

Advertisers

Dapat makulong si Jose Antonio Sanvicente

0 280

Advertisers

HINDI matinong tao si Jose Antonio Sanvicente, ang driver ng SUV na bumundol at sumagasa sa sekyu na nagmamando ng trapik sa Mandaluyong City noong Hunyo 5 ng taon.

Kung matino si Sanvicente tulad ng sabi ng mommy niya sa press conference, binabaan niya sana at tinulungan ang sekyu na kanyang nabundol o binundol. Hindi naman siya bulag para hindi makita na bumagsak ang sekyu. Kaso sinagasaan pa niya. Mabuti lang at sa katawan nadaanan ng gulong ang sekyu, paano kung sa ulo? Pisak! Patay ang kawawang sekyu na si Christian Floralde.

Sa tingin ko sumagi sa isip ni Sanvicente ang mga advise ng mga loko lokong driver o motorista na kapag may nabundol, tuluyan nang patayin. Dahil mas madali raw ayusin ang patay kesa buhay.



At kung totoo na handa harapin ni Sanvicente ang kaso, bakit hindi siya sumipot sa mga patawag ng Land Transportation Office, hindi siya agad sumuko sa pulisya, at hindi rin siya dumalo sa unang patawag ng piskalya?

Lumitaw lang itong si San Vicente pagkaraan ng isang linggo ng insidente para magpa-press conference sa kampo ng Philippine National Police (PNP) kungsaan tila naging VIP pa ito sa kampo ni PNP OIC Lt. General Vicente Danao.



Kung sabagay, tama namang hindi arestuhin ng PNP si Sanvicente dahil higit isang linggo na nangyari ang insidente. Kailangan muna siyang kasuhan at maisyuhan ng arrest warrant.

Sabi ng kanyang mommy, matino at responsable ang kanyang anak. Weee… Paano naging responsable ang isang tao na tatlong beses nang nakasuhan ng reckless driving? Pang-apat na kaso na niya itong sa sekyu.



Kaya hindi dapat bumigay itong sekyu. Dapat ituloy nya ang kaso kay Sanvicente para makulong ang animal na ito.

Oo! Ang linaw naman sa CCTV footage na sadyang binundol tapos sinagasaan ang sekyu. Nasa gitna ng kalsada ang sekyu, inaayos ang trapiko, mababagal ang usad ng mga sasakyan. Huminto naman ang SUV tapos biglang umabante, nabundol sa balakang ang sekyu. Natumba. Huminto ang SUV, tapos biglang umabante, sinagasaan sa katawan ang driver, masuwerteng hindi na-ulo. Tumakas na ang SUV!

Kung ako ang Piskal sa kasong ito, maglalabas agad ako ng arrest warrant para madakip na itong Sanvicente. Hindi matinong tao ito. Delikado ang mga traffic enforcer sa kanya.

Mukhang nagmana itong si Sanvicente sa kanyang ama (Joel), na ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC)), ay nakapatay ng Fil-Chinese (Dennis Wong) sa harap ng isang ATM machine sa may Katipunan Avenue noong 1995.

Ang kasong isinampa sa batang Sanvicente ay frustrated murder at pag-abandona sa biktima.

Sabi ni Senate President Tito Sotto, dapat isinalang ng PNP sa drug test si Sanvicente. Hindi iyong basta nalang ito pinakawalan matapos magpa-press conference kasama pa si Danao. Animal!

Tama si Senator-elect JV Ejercito, dapat managot si Sanvicente sa ginawa nito sa sekyu.

Kung ang matandang nagnakaw ng bayabas nakulong, higit dapat ang bumundol at sumagasa sa isang sekyu na tumutupad sa kanyang tungkulin.

Dapat makulong si Sanvicente!