Advertisers
NAGPAHAYAG ng kanyang pagkadismaya ang kinikilalang lider ng isang malawakang organisasyon ng mga indigenous sektor sa bansa.
Ipinararating sa pamamagitan ng korner na ito ni World United Tribal Maharlika Beneficiaries Federation,Inc.Supreme Tribal Governor General Mario Camba a.k.a. Rajah Alakdan Bulkan ang kanyang mariing pagkondena sa isang alagad ng social media na walang pakundangang idinawit sa content ng vlogger ang kanilang lehitimong grupo na diumano’y involvement sa masamang gawain.
Dala ni Rajah Alakdan ang mga kaukulang papeles at dokumento na nagpapatunay ng kanilang pagiging lehitimong samahan ng mga tribung Maharlika upang ipabatid sa vlogger ng kanilang pagkadismaya kasabay ng hamong ituwid ang maling ulat nito sa publiko na walang ginawang pagsusuri kung ano ang katotohanan.
Sa ulat anila ng vlogger,pinakita nito ang logo at emblem ng kanilang tribal group at application form na naniningil umano ng halaga na isang malinaw na fake news at dokyu dahil ang original nilang form ay nakasulat nang maliwanag na ‘strictly not for sale.’
Hindi rin sila tumigil sa kanilang year- round activities taliwas sa ulat ng vlogger- na anila’y taga-Taguig na naglalayong idiscredit ang magandang adbokasiya ng mabungang Tribal Maharlika .
“ Maglabas siya( vlogger) ng ebidensiya ng kanyang paninira.Kailanman ay di namin ginagamit si PBBM para sa sariling kapakanan,boluntaryo kaming tumutulong upang maihalal siyang Pangulo.Di tama ang basta na lang mambibintang maninira kaya humanda kang salagin ang dapat mong sanggahin sa aspetong legal.Sabi mo ikaw ay mapanuri pero ikaw mismo di mo inuri bago mo dinesisyunang siraan ang tao, huwag ako,” pahayag ni Rajah Alakdan patungkol sa naturang vlogger na nalaman na nilang isang residente ng Taguig.
Anipa Alakdan ,iginagalang niya ang propesyon ng vloggers pero dapat ay masala ang mga uring walang pakundangang manira ng kapwa basta me maikontent lang sa kanilang platform.
Open ang korner na ito kung may ilalahad na panig ang naturang vlogger( alam mo kung sino ka) .
Sa naturang panayam ay inilahad din ng pinunong tribal ang mga future programs ng ordanisasyon nationwide tulad ng livelihood,kultura at sining at ang pagpapalawig ng INDIGENOUS SPORTS PROGRAM para sa mga katutubo na suportado rin ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission… ABANGAN!