Advertisers

Advertisers

NAKAPIRING ANG INA NG KATARUNGAN, NAKABUSAL DIN

0 351

Advertisers

WALA pa ang katapusan ng Hunyo, napakarami nang bumabagabag sa kamalayan ng mga mamamayan. Mula sa paghirang ng bagong presidenteng sa wari ng marami ay hindi karapat-dapat maluklok sa pwesto, maging ang pagsagasa ng isang traffic enforcer na tinakasan ng salarin, na sa kalaunan ay nag presscon. Sa isang normal na sitwasyon, sinisigurado ko na mabilis pa sa alas-kwatro ang paghimas ng naturang salarin ng malamig na rehas sa piitan. Pero hindi normal ang mga panahon sa kasalukuyan kaya ang isang suspek ng hit-and-run ay nakapag presscon kasama ang mga magulang, pati ang hepe ng Philippine National Police. Kahit na may video ng naganap na pagsagasa sa pobreng traffic enforcer, lantaran pa rin ang nanay na nagsabing mabait ang anak niyang si Jose Antonio Sanvicente na sumagasa kay Cristian Joseph Floralde gamit ang kanyang SUV sa Mandaluyong.

Sa normal na panahon, at kapag normal ang pag-iisip ng nasa likod ng manibela, antimano ay titigil ito at tutulungan ang nasagasaan. Pero matapos sagasaan, tinakasan ang kawawang traffic enforcer na ang tanging kasalanan lang ay mag direkta ng trapik sa Ortigas Commercial And Business District. Sa naganap na presscon, inilantad ng nanay ng suspek na hindi sila makatulog at makakain una, dahil sangkot ang anak nila, at pangalawa, nag viral ang video ng pananagasa. Aniya, napakaresponsable ng kanilang anak.

Kapansin-pansin din ang presensya ng hepe ng Philippine National Police Lt. Gen Vicente Danao, na nagmamano pa sa ama at ina ng suspek, na mistulang isang “capo de tutti capi” sa nobela ni Mario Puzo. Bago pa man ang makasaysayang “presscon”, naglabas ng pahayag si Jinggoy Estrada na hindi tatakas ang suspek at magpapakita sa takdang panahon. Sa totoo lang mukha siyang spooksman para sa nanagasa



Bilib din ako sa mga backer ng suspek. Iba talaga kapag ang may sala ay may poder at malakas sa mga nasa itaas, at ito ay pinatotoo ng mismong ama ng suspek na sinabi may koneksyon sila, pero para maliwanag, doon lang sa “presscon nila nakilala si CPNP Danao. Bilang isang mamamahayag, hindi ko maiwasang lumihis ang aking pag-iisip ad maglaro dito ang iba’t-ibang mga sapantaha. At, isa dito, cue stinger music:

PAANO KUNG HINDI SI JOSE ANTONIO SANVICENTE ANG NANAGASA?



Heto ang natuklasan ko: Ang ama ni Jose Antonio Sanvicente, na suspek sa hit-and-run incident sa Mandaluyong City, ay dawit sa pagpatay ng isang Filipino-Chinese businessman in 1995.

Si Joel Sanvicente ay akusado sa pagpatay sa Filipino-Chinese businessman sa harap ng ATM ng Far East Bank and Trust Company sa Katipunan Ave. Ayon sa Abogado.com, matapos madehado ang ama ng hit-and-run suspek, nagbunot ito ng baril at pinatay ang Chinoy na negosyante. Ang nangyari ay patotoo ni Arsenio “Boy” Evangelista pangulo ng Volunteers Against Crime And Corruption



Sinabi ng Abogado.com si Joel ay ama ni Jose Antonio. Ayon kay Evangelista, ang ama ng hit-and-run suspek at ang inakusahan sa pagpatay sa negosyanteng Chinoy Dennis Wong noong June 11, 1995 ay iisang tao. Sa kalaunan, pinawalang-bisa ang kasong sinampa kay Jose San Vicente at binalewala ang ebidensyang hinarap sa korte. Tulad ng nagdaang halalan kung saan mas maraming tanong ang iniwan ng pagkapanalo ni Ferdinand”Bongbong” Marcos, isa rin ang insidenteng ito na nag-iiwan ng napakaraming tanong. Sa tindi ng mga umaalalay sa kaso ng nakababatang San Vicente, sa wari ko mananatili itong nakabusal sa harap ng nakapiring Ina Ng Katarungan. Tutuldukan ko na ang kolum ko at iiwan ang mga katagang binigkas ni Presidente Manuel L. Quezon, unang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas:

“THAT THE PHILIPPINES IS YOUR COUNTRY, AND THE ONLY COUNTRY THAT GOD HAS GIVEN YOU. THAT YOU MUST KEEP IT FOR YOURSELVES, FOR YOUR CHILDREN, AND FOR YOUR CHILDREN’S CHILDREN, UNTIL THE WORLD IS NO MORE…”

Tumatak din sa isip ko ang sinabi ni Maximilien Robespierre, isang Pranses, at isa sa nagsilbing utak ng himagsikan sa Pransya: “Ang lihim ng kalayaan ay magkaroon ng edukadong mamamayan. Ang lihim ng ng paniniil ay magkaroon ng mamamayang mangmang”

Alam natin ang kinahinatnan ng himagsikan iyon. Mahirap isipin, kapag ang batas ay binabalewala. Ngunit hindi normal ang mga panahon. Dahil nagigisnan natin na ang batas, bagkus nakapiring, nakabusan din. At muling pinamumunuan tayo ng mga bugoy. Kasihan nawa tayo ng Poong Kabunian at Mabuhay ang Lupang Tinubuan.

***

Mga Harbat Sa Lambat:

“Independence Day is a sham. No foreign masters robbed or oppressed Filipinos as much as their own elected officials…” – Roly Eclevia

” INSULTS are the arguments employed by those who are in the wrong…” – Jean Jacques Roussea

“Kapag ang isang kandidato ay hindi eligible, kahit makuha pa niya ang pinakamataas na boto, hindi siya magiging kandidato ever…” – Ted Te

“Hindi problema ni Robin Padilla ang di-siya bihasa sa Ingles. Ang problema niya, ay ang wala sa lugar na yabang. Hindi masama ang maging mangmang. Lahat tayo diyan nanggaling. Ang masama kung nanatili tayong mayabang at mangmang, na kahit ang kamangmangan natin, hindi natin alam. Hindi problema ang hindi marunong mag-Ingles o espanyol sa kaalaman sa batas. Kung Ingles lang ang problema, masasagot yan ng isang bihasang interpreter o translator. Ang totoo, kung hindi ka marunong managalog, hindi ka pwedeng maging Presidente ng Pilipinas, o maging senador…” – Prof. Bayani Santos Jr.

***

mackoyv@gmail.com