Advertisers

Advertisers

Mommy Pinty at Daddy Bonoy nag-celebrate ng 37th Wedding Anniversary

0 170

Advertisers

Ni PETER LEDESMA

ISA ang famous couple sa showbiz na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga sa matatag at matagumpay ang married life. Sa katunayan this month of June ay cinelebrate nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na parehong sikat na blogger na rin ang kanilang 37th wedding anniversary.
Narito ang post na pagbati ni Mommy Pinty sa kaniyang IG para sa loyal faithful hubby na si Daddy Bonoy na umani ng libu-libong likes. “Belated Happy Anniversary Ctartd’i can’t imagine how time has passed almost 7 years in a relationship before our union and 39 years after our marriage still here, we are by the grace of God thru our Lord and Savior Jesus Christ, who was and is the center of our lives.
“It’s not only about these numbers but it’s about love, time, struggle, fun, hardship and a success that we shared together in our journey as a couple! Praise God for blessing this gift of marriage=OCheers to more anniversaries to come! Love you d’d’d’.”
Pati ang mga nagbigay ng comment sa said post ni Mommy Pinty ay mga kinilig. By the way, last Father’s day ay isang very expensive na Massage Chair ang iniregalo ni Mommy Pinty kay Daddy Bonoy. Hilig raw kasi nitong magpamasahe kaya ito ang naisip na ibigay sa kanya ni Mommy Pinty.
Patuloy naman sa pamamayagpag ang Youtube channel ng mag-asawa na Bonoy and Pinty Gonzaga. ‘Yung magkasunod nilang upload na date ng mga ito sa sinehan as of June 26 ay meron ng 349K views (still counting) at Vlog Episode 25 na Childhood Meriendas Foodtrip ay umani na ng 663K views at still counting rin. As of presstime ay nasa mahigit 1 million na ang subscribers ng YT channel nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy at sikat na ang pinauso nilang katagang Ka-Maintenance na tawag ng mag-asawa sa kanilang mga loyal at avid viewers.
***
DZME Commentator Ka Rex Cayanong Kampeon Sa Sabong, May Award Pa
Tulad ni Ka Rex Cayanong na kilala na sa mahabang panahon bilang host ng sariling commentary program na “Target On Air” at Sabong On Air Segment sa DZME, isa na ring kampeon sa field ng sabong si Ka Rex, na ilang beses nang nahirang ng champion ang manok gamit ang pangalang Sabong On Air.
Yes, dominated ng mga panabong ni Rex ang malalaking Cock Derby. Nakapagtala na ng apat na panalo si Ka Rex gamit ang entry name na Sabong On Air sa RIPER SPORTS Sta. Rosa, Laguna at iba pang venue para sa mga sumusunod na laban: King Arthur 6-Cock derby, JP Dragon 6-Cock derby, Battle Big Boys 6-Cock Super Big Event.
Samantala, nagwagi ulit ang combined entry nina Cayanong at PEREZ/SABONG ON AIR sa Hagibiz 4-Cock derby sa LAGUNA RIPER SPORTS Sta. Rosa Mega Cockpit. Talagang matunog na rin ang pangalan ng Sabong On Air ni Ka Rex Cayanong sa larangan ng Cock fight. Patuloy na mapapanood at mapakikinggan ang “Target On Air” kasama ng Sabong On Air segment ng award broadcast journalist and tabloid columnist na si Cayanong sa DZME (1530 KHZ) sa inyong radio AM Dial mula Lunes hanggang Biyernes, 3 PM to 4 PM at sa Official Youtube Channel nito na Ka Rex Cayanong na meron nang 52,300 (still counting) subscribers na ilan sa mga replay nito ay nakakuha ng 15K to 500K views.
Si Ka Rex ay itinanghal na “OUTSTANDING BROADCASTER Of The YEAR” sa 16th Gawad Filipino na ang ginawaran ay mga natatanging Pilipino sa larangan ng iba’t ibang kasanayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More