Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA aming panayam, inamin ni Sid Lucero na naging pasaway siya at sakit ng ulo ng produksyon noon.
Ito kasi iyong panahong sobra ang ego trip niya at nalulong siya sa droga.
Pero ngayon daw, he’s now a changed man lalo pa’t may anak na siya na siyang inspirasyon niya sa pagtratrabaho sa ngayon.
Aniya, ngayon daw, he’s staying in showbiz for good.
Speaking of movies, walang takot na nagbuyangyang ang magaling at Urian-award winning actor sa pelikulang “Virgin Forest” na streaming na sa Vivamax.
Hindi lang isa, kundi tatlong beses siyang nagpasilip ng kanyang private part sa nasabing obra.
Ani Sid, wala rin daw siyang proteksyon nang kunan ang orgy scenes niya kasama ang mga diwata sa waterfalls kaya keber na siya kung nakita in full glory ang kanyang pagkalalake.
Kung magpla-plaster naman siya, feeling niya ay magiging sagabal lang ito kaya pinabayaan na lang daw umalagwa kung ano ang dapat umalagwa lalo pa’t may eksenang parang bata siyang batang nasabik sa paliligo sa talon.
Naisip daw niyang mag-prosthetics pero hindi raw magiging impressive ito para sa kanya.
“So… that’s all me. Ha! Ha! Ha! Ha! No, I don’t… I didn’t really mind. Yeah, I just took it off, yeah. It’s a Brillante (Mendoza) film,” aniya.
Bilang isang premyadong actor, ayaw din daw niyang isiping desperate move na ito para sa kanyang career.
Ginawa raw niya ang mga maseselang eksena dahil naniniwala siya sa proyekto.
“I wanted to be as natural as possible lang talaga, as in you know. I mean, I think, it’s about time na, e. And Vivamax being an online thing is a good avenue for us to actually start opening ourselves up to the sexuality of things,”paliwanag niya.
Hindi na rin daw big deal ang frontal nudity sa kanya dahil kahit mga respetadong Hollywood actors ay ginagawa ito.
“It’s actually a normal thing, come on, guys! Ang dami-dami natin sa Pilipinas! Fourteen-year old mothers, is censorship working?! Excuse me! Di ba?! So, tama na iyan! Let’s just make a film and then capture life as it is! Di ba? What’d you gonna do? Baby gets birthed and blurs pototoy, why? Di ba?
“It doesn’t make sense. Nothing’s changed. The only thing that changed is size and hair.”But, like, I mentioned a while ago, when all of us were all naked in the waterfall, we just felt like kids again. I didn’t even feel like I had a penis. It didn’t feel like it, yeah,” esplika niya.
Sa “Virgin Forest”, ginagampanan ni Sid ang papel ni Francis, isang photojournalist na naatasan ng isang mayor na hanapin ang pambihirang bulaklak na Rafflesia sa kagubatan ng Bukidnon.
Sa kanyang pag-iimbestiga, matutuklasan niya hindi lang ang illegal logging activities kundi ang prostitution trade sa kabundukan.
Mula sa produksyon ng Centerstage Productions at sa direksyon ng internationally-acclaimed at award-winning director na si Brillante Mendoza, tampok din sa pelikula sina Vince Rillon, Angeli Khang, Rob Guinto, Alma Moreno, Allan Paule, Jao Mapa at Julio Diaz.
Kasama rin sa cast sina Kat Dovey, Markki Stroem, Ivan Padilla, Greg Hawkins, Micaella Raz at marami pang iba.