Advertisers
Tila ito ang sagabal sa malaking trade ng Lakers at Nets. Oo ayaw isama ng LA ang mga 2027 at 2029 draft pick nila sa unang round sa kasunduan nila ng Brooklyn para maganap ito sa lalong magaling panahon.
Yung mga idinadagdag na mga player na ipamimigay ng prangkisa ng East ay mukhang payag na ang team mula sa West.
Ke si Joe Harris o Seth Curry o silang dalawa pa ay oks lang sa purple at gold basta ibilang din sina Talen Horton-Tucker at Kendrik Nunn para magswak ang total ng mga pasahod.
Siyempre ang Nets nasa rebuilding mode na makaraan ang mga kahilingan nina Kevin Durant at Kyrie Irving na ipagpalit na sila. Kaya nais nila mag-ipon ng mga draft pick bukod sa mas batang kapalit ng dalawang superstar. Yan ang incentive nila upang pakawalan ang mga bida.
Ang City of Angel’s naman kakaunti na lang natitirang pick dahil sa mga trade na nangyari noon tulad sa pagkuha kay Anthony Davis sa New Orleans. Yan ang dahilan kung bakit sila bantulot na maging bahagi ito ng anumang usapan.
Si LeBron James naman gusto ngayon na magets ang dating kakampi sa Cleveland sa paniwalang makakasungkit pa sila ni Irving ng isa pang ring ngayong season. Pangenganyo rin yan upang pumirma siya ng extension sa pangkat ni Jeannie Buss.
Ayon kay Tata Selo ay dapat magmeet halfway ang mga partido upang maisakatuparan ang blockbuster na news.
Pwede raw isa na lang draft pick ang ma-include at plantsahin na ang iba pang cager na kasali sa trade.
Parang dyahe na kapag hindi ito matupad. Kahiyaan baga. Tapos kapag walang aksyon ay apektado na mga laro nina Irving sa Nets at mas lalo pa ni Russell Westbrook sa Lakers. Dami na kasi emotional capital nagamit sa sitwasyon.
Dalawang linggo na ito laman ng balita. Dapat happy ending para everybody winner.
***
Tuluyan na nubusan ng world boxing champion ang Pilipinas nang maolat si Mark Magsayo sa featherweight bout niya nitong weekend kontra kay Rey Vargas ng Mexico.
Kamakailan nawalan din ng titulo si Nonito Donaire sa kanyang unification bantamweight match vs.Naoya Inoue ng Japan.
Natatandaan pa raw ni Ka Berong ang simula ng may mga multiple na korona tayo sa boksing. Early seventies daw ay halos sabay-sabay mga hari ng ring sina Pedro Adigue sa light welterweight (WBC), si Erbito Salavarria sa flyweight (WBC) at Bernabe Villacampo sa flyweight din (WBA).
Ito ay nang makalipas matalo na si Gabriel Flash Elorde sa junior lightweight na pitong taon niya hinawakan.
***
Naging isyu ang pagbitbit ni LeBron James ng sariling snacks sa game ng Lakers sa Summer League sa Las Vegas. Nakunan kasi ng video at letrato si LBJ na kumakain habang nag-eenjoy ng laban. Baon niya ang pagkain, hindi binili sa arena. Posible kasing espesyal na food yon na wala sa venue o nagtitipid daw ang bilyonaryo.
Ganoon talaga kapag super sikat, lahat ng kilos napapansin ng media at taong-bayan. Hehehe.