Advertisers
SINABI ni Senador Alan Peter Cayetano na dapat maging tapat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang kauna-unahang “State of the Nation Address” o SONA sa Lunes, Hulyo 25.
Si Cayetano ang isa sa mga naging kritiko ni PBBM noong naging magkatunggali sila sa vice presidential race noong 2016. Si Cayetano ang naging running mate ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at si PBBM naman ang running mate ng yumaong dating Senadora Miriam Defensor-Santiago.
“He can be very honest na: ‘Heto ang mga problema ng bansa’, kasi inabutan niya ‘yan as president. But what we need is the creativity and innovation in facing it,” aniya sa isang panayam.
Sinabi rin ni Cayetano na tapos na ang gobyerno na puros pagmumura.