Advertisers

Advertisers

Dagdag-presyo sa ilang basic goods ikinakasa ng DTI

0 181

Advertisers

PINAG-AARALAN ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng 6% hanggang 8% increase sa presyo ng mga nasa 30% ng total basic goods na nakalathala sa suggested retail price bulletin.

Sinabi ni DTI Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo, pinag-aaralan pa nila ang mga petisyon para sa price hikes mula sa mga manufacturer pero hindi lahat ng commodities ang maaaring magpatupad ng dagdag-presyo.

Ito, anya, ay upang mayroon pa ring mapagpilian ang mga consumer.



Kabilang sa mga inaasahang magkakaroon ng minimal price hike ang tinapay, de latang isda, bottled water, processed milk, instant noodles, kape, asin, sabong panlaba, kandila at harina.

Gayundin ang processed at canned meat, processed at canned beef, suka, patis, toyo, toilet soap at baterya. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More