Advertisers

Advertisers

Pilipinas nananatiling ‘low-risk’ sa Covid-19

0 331

Advertisers

UMAKYAT pa sa 14.8% ang national weekly positivity rate ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary at assistant spokesperson Beverly Ho sa isang pulong balitaan nitong Huwebes.

Ayon kay Ho, mula sa dating 12.5% lamang ay naging 14.8% na ang positivity rate ng bansa ngayong linggong ito.



Ito ay halos triple na sa 5% na ideyal na threshold para sa positivity rate na itinatakda ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Ho na nananatili pa rin sa low-risk classification ang bansa.



“Nationally, nanatili pa rin tayong low risk classification na meron pong daily average attack rate (ADAR) na 2.33 cases per 100,000 population,” sabi pa nito.

Bagama’t mayroong pitong rehiyon na nakapagtala ng ADAR na mula 1.45 hanggang 3.96 cases per 100,000 population, lahat din ng rehiyon ay nananatili pa rin sa low-risk classification sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.



Tiniyak din naman ni Ho na ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ay hindi nangangahulugan ng pagdami ng COVID-19 admissions.

Paliwanag niya, ang bilang ng mga severe at critical cases ay patuloy na mas mababa sa 1,000 at nasa 734 lamang ngayon.

Nanatili ring asymptomatic ang 16.49% ng mga kaso at mild naman ang 40.97%.

Iniulat din ni Ho na nagkaroon ng pagtaas ng 12% o 757 sa total COVID-19 hospital admissions, habang ang ICU utilization rate ay kasalukuyan namang nasa 21%. (Andi Garcia)