Advertisers
NAKAPAGTALA na ng unang kaso ng monkeypox sa bansa halos isang linggo matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) ang global health emergency para sa nasabing sakit.
Sa isang 31-anyos na Filipino na dumating sa bansa noong July 19 na-detect ang monkeypox, ayon kay Health Undersecretary Beverly Ho, na nagsisilbi rin bilang Health’s alternate spokesperson.
Ayon pa sa ulat, ang pasyente na mayroong prior travel histories sa mga bansang may dokumentadong monkeypox cases, ay nakumpirmang positibo sa monkeypox sa pamamagitan ng RT-PCR noong July 28, ayon pa kay Ho.
“Case has been discharged well and is undergoing strict isolation and monitoring at home,” pahayag pa nito sa mga reporter.
Sampung close contacts nito, kung saan tatlo sa parehong household ay natukoy na pero wala itong mga sintomas, dagdag pa ni Ho.
Ang mga unang sintomas ay maaaring magsama ang lagnat, pananakit ng ulo, matinding pananakit ng kalamnan, pagkapagod, pantal, pati na rin ang namamaga at masakit na mga lymph node, ayon sa isang tagapagpaliwanag ng Agence France-Presse.
Idineklara ng WHO noong Hulyo 23 na ang monkeypox outbreak – na nakaapekto sa halos 16,000 katao sa 72 bansa, ayon sa tally ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) – bilang isang world health emergency.
Nasasalin ang kaso 95 percent sa pamamagitan ng sexual activity, ngayon sa pag-aaral sa 528 indibidwal sa 16 bansa na inilathala sa New England Journal of Medicine.
Sa pangkalahatan, 98% ng mga nahawaang tao ay bakla o bisexual na mga lalaki, at humigit-kumulang isang-katlo ang kilala na bumisita sa mga sex-on-site na lugar gaya ng mga sex party o sauna sa loob ng nakaraang buwan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)