Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si George Erwin Garcia bilang bagong chairman ng Commission on Elections.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, isinumite na ni Pangulong Marcos sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pangalan ni Garcia para sa kumpirmasyon.
Una na ring itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Garcia bilang Comelec Commissioner subalit hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) dahil sa kawalan ng quorum.
Maliban sa kaniya, hindi rin naaprubahan ang appointment nina Chairman Saidamen Pangarungan at Comm. Aimee Neri.
Si Garcia ay nagsilbing abogado ni President Bongbong Marcos para sa election protest sa vice presidential race laban kay dating VP Leni Robredo. (Vanz Fernandez)