Advertisers

Advertisers

Good news! SENIORS MAY DAGDAG PENSION: P1K NA!

0 314

Advertisers

BATAS na ang panukalang itaas sa P1,000 mula sa P500 ang social pension ng mga indigent o mahihirap na senior citizen kada buwan.

Si Senador Grace Poe, ang pangunahing may-akda ng batas ng Republic Act 11916 o “An act increasing the social pension of indigent senior citizens and appropriating funds.”

“As principal author of the measure, I thank my colleagues for supporting this important and long-overdue legislation,” wika ni Poe sa kanyang manipestasyon.



Pinasalamatan din ni Poe si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at si Senate Majority Leader Joel Villanueva na isa sa mga sponsors ng panukala.

Ibinahagi ni Villanueva ang kopya ng liham ng Palasyo ng Malacañang upang ipagbigay-alam kay Senate President Juan Miguel Zubiri na nag-‘lapse into law’ ang nasabing panukala noong Hulyo 30.



Pirmado ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang naturang liham mula sa Palasyo.

Ayon kay Villanueva, mahigit apat na milyong mahihirap na senior citizen ang makikinabang sa naturang batas kung saan aabot sa P22 hanggang 24 bilyong piso naman ang kakailanganing pondo para sa social pension ng mga senior.



Ipapaubaya naman aniya sa National Commission of Senior Citizens ang pagpili sa mga benepisyaryo.

Maliban sa pagtaas na buwanang social pension, nakasaad sa batas na magkakaroon ng opsyon para maiabot ang pensyon sa mga benepisyaryo.

Kung mayroon mang transaction fee, hindi ito iaawas sa benepisyaryo.

Matatandaang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala noong buwan ng Mayo. (Mylene Alfonso)