Advertisers

Advertisers

BARKO NA KINARGAHAN NG ILIGAL NA DROGA DAPAT KUMPISKAHIN – PNP CHIEF

0 324

Advertisers

GUSTO ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin Jr., na papanagutin ang mga barko na mapapatunayang sangkot sa pag-transport ng mga iligal na droga sa bansa.

Binigyang-diin ni Azurin na karamihan sa mga iligal na droga na ipinapasok sa bansa ay sa dagat idinadaan.

“We need to identify ano yung mga ginagamit na mode na pag-transport so that ipatanggal natin yung kanilang license na makapasok sa bansa natin or kumpiskahin natin sila kasi hindi naman yung lalangoy na darating nalang yung droga sa atin. Sabi ko nga definitely by air and by sea and obviously ang titingnan natin dito karamihan ng pumapasok na contraband dito sa atin is galing sa dagat dahil very weak ang ating border control and security,” sabi ni Azurin sa mga reporter matapos manumpa bilang ika-28th PNP Chief sa Camp Crame nitong Miyerkules ng gabi.



Tiniyak ni Azurin na palalakasin pa niya ang partnership sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Bureau of Customs, at iba pang government agencies para lalong mapalakas ang war on drugs ng gobyerno.

Samantala, hinikayat ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang local chief executives (LCEs) na tulungan palakasin ang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa kanilang mga nasasakupan para masustine ang kampanya ng gobyerno laban sa mga iligal na droga.

“Humihingi po ako ng tulong about illegal drugs. We will intensify the war on drugs, and we will start at the grassroots. So please, I am requesting you to harness the capability and strengthen your BADACs,” saad ni Abalos sa kanyang statement nitong Huwebes.

“Nanawagan tayo sa mga gobernador at mayors na siguruhin na ang ating mga BADAC ay maayos na gumagana at nakakatulong sa pagprotekta sa mga komunidad laban sa iligal na droga at mga tagapagpalaganap nito,” ayon kay Abalos.

Ang BADAC ay grassroots program ng DILG na layuning organisahin ang barangay officials at iba pang stakeholders bilang first line of defense sa paglaban sa drug-related crimes sa mga barangay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">